Angelica Panganiban, bumwelta sa netizen na tumawag sa kanya ng starlet

Angelica Panganiban, bumwelta sa netizen na tumawag sa kanya ng starlet

- Hindi pinalampas ni Angelica Panganiban ang kanyang basher na tumawag sa kanyang starlet

- Sa pamamagitan ng isang tweet ay bumwelta ang aktres at sinabihan nito ang basher na apektado siya sa tinatawag niyang starlet

- Bumuhos naman ang pagsuporta kay Angelica at marami sa kanila ang umalma sa pagtawag ng twitter user kay Angge na starlet

- Matapos mag-viral, agad ding binura ng naturang Twitter user ang kanyang tweet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bilang kilala sa kanyang pagiging palaban, hindi pinalampas ni Angelica Panganiban ang isang basher. Tinawag siya nitong starlet at diretsahan pa nitong nilagay ang Twitter handle ni Angelica sa kanyang tweet.

Angelica Panganiban, bumwelta sa netizen na tumawag sa kanya ng starlet
Angelica Panganiban (@iamangelicap)
Source: Instagram

Sa pamamagitan ng isang tweet ay bumwelta ang aktres at sinabihan nito ang basher na apektado siya sa tinatawag niyang starlet.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Carla Abellana, nagbahagi ng picture kung saan burado na ang kanyang singsing

Bumuhos naman ang pagsuporta kay Angelica at marami sa kanila ang umalma sa pagtawag ng twitter user kay Angge na starlet:

Excuse me po! Angelica P is a versatile and excellent actress! She started as a child actress and still a star up to now! She does not have to prove herself because she has mark in the industry! Gets mo!
Litong lito ako dito. Di ba ang ibig sabihin ng starlet baguhang artista or yung di pa gaanong kilala? AngTV days pa lang nakikita ko n to eh. So parang di naman accurate yung starlet.
Omg babes, sa dami ng nagawang mong trabaho at sa tapang na ipinapakita mo para ipag laban ang tama at katotohanan. Hindi mo na kailangang mag artista. Buong buo na pagkatao mo. HINDI BAYAD at lalong hindi NABAHIRAN NG DUGO NG IBA.

Matapos mag-viral, agad ding binura ng naturang Twitter user ang kanyang tweet

Read also

Judy Ann at Ryan, napaisip kung sino nga ba sa kanila ang unang nagsabi ng 'I love you'

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

Matapos ang paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz at naudlot na balikan nila ni Carlo Aquino, masayang ibinabahagi ni Angelica sa social media ang kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ni Gregg Homan. Kamakailan nga ay usap-usapan ang kanyang makahulugang post patungkol sa kanilang dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel