Danica Sotto sa mga anak ng separated parents: "Marriage lang nila ang nag end pero ikaw hindi"

Danica Sotto sa mga anak ng separated parents: "Marriage lang nila ang nag end pero ikaw hindi"

- Isang mensahe ang ibinahagi ni Danica Sotto para sa mga kagaya niyang nagkahiwalay ang mga magulang

- Aniya, hindi nangangahulugang dadanasin din ng anak ang dinanas ng kanilang mga magulang

- Bagkus ay maari umanong maiba ang kapalaran ng mga anak dahil sila mismo ang nakakita at natuto sa pagkakamaling nagawa ng kanilang mga magulang

- Kahit naghiwalay ang mga magulang nina Danica at Oyo Boy na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie, maayos at kabilang sa hinahangaan ang marriage life ng magkapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang mensahe sa Facebook post niya, sinabi ni Danica Sotto na hindi nangangahulugang dadanasin din ng kanilang mga anak ang dinanas ng kanilang mga magulang. Sa katunayan, kahit naghiwalay ang mga magulang nina Danica at Oyo Boy na sina Vic Sotto at Dina Bonnevie, maayos at kabilang sa hinahangaan ang marriage life ng magkapatid.

Read also

Kampo ni Andrea Brillantes, nilinaw ang viral pic: "We condemn those who are quick to judge"

Danica Sotto, nagbahagi ng mensahe para sa mga anak ng separated parents
Danica Sotto-Pingris (@danicaspingris)
Source: Instagram

Ani Danica, maaring maiba ang kapalaran ng mga anak ng mga magulang ng naghiwalay na mag-asawa dahil sila mismo ang nakakita at natuto sa pagkakamaling nagawa ng kanilang mga magulang.

To the children of separated parents…
You are not doomed to repeat the mistakes of your parents. You will find love and you have love kasi you learned from what they did wrong. Marriage lang nila ang nag end pero ikaw hindi… you are not broken. Ask God to help and guide you. Kasi if we genuinely experience and understand God’s love. You won’t need to prove yourself to other people. You know na buo ka kasi HE fills in the gaps. Yung di kayang punuin ng mga tao lang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Danica Sotto-Pingris ay panganay na anak ng dating mag-asawang sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Kapatid siya ni Oyo Boy Sotto. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Fantastic Man (2003), Uno (2005) at Mama Said, Papa Said I Love You (1985).

Read also

Ina ng Maguad siblings nang makaharap ang mga suspek; "We couldn't do anything"

Ikinasal siya sa basketbolistang si Marc Pingris noong March 3, 2007. Kamakailan nga ay humingi ng dispensa si marc sa mga pagkukulang niya sa asawa niya.

Kamakailan ay sinabi ni Danica na pakiramdam niya ay sobrang higpit ng kanyang ina sa kanila noong mas bata pa siya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel