Kampo ni Enchong Dee, naglabas na ng opisyal na pahayag kaugnay sa cyber libel case
- Naglabas na ng pahayag ang kampo ni Enchong Dee kaugnay sa kinahaharap nitong 1B cyber libel case
- Ito ay matapos na mapabalitang boluntaryo nang sumuko ang aktor sa NBI Quezon city at nakapagpiyansa
- Nilinaw din nila ang mga ulat na nagtatago 'di umano si Dee gayung patuloy pa rin ito sa pagsasagawa ng kanyang mga professional at personal commitments
- Matatandaang nadiin si Dee matapos na mag-post umano ito ng umano'y malisyong tweet kaugnay na naging kasalan ni DUMPER Party list representative Claudine Bautista-Lim
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kauna-unahang pagkakataon, naglabas na ng pahayag ang kampo ni Enchong Dee kaugnay sa 1B cyber libel case na na kinahaharap ng aktor.
Nalaman ng KAMI na sa mismong Instagram post ni Enchong, ibinahagi niya ang official statement mula sa The Castillo, Laman, Tan, Pantaleon, and San Jose Law Firm ngayong Pebrero 1.
Sa naturang pahayag, nilinaw nilang wala umanong katotohanan ang bali-balitang nagtatago si Dee.
Matatandaang napabalita ang umano'y pagtungo na ng mga awtoridad sa address ng aktor sa Cubao, Quezon City ngunit hindi nila ito natagpuan doon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon sa pahayag, patuloy lamang ang aktor sa pagsasagawa ng kanyang professional at personal commitments.
Gayunpaman, sisiguraduhin naman nilang gagawa rin ng legal na aksyon si Dee upang madepensahan ang sarili.
Narito ang kabuuan ng naturang pahayag:
Enero 31 nang mapabalitang kusa nang sumuko si Enchong Dee sa NBI Quezon City kaugnay sa kasong isinampa sa kanya ni DUMPER Representative Claudine Bautista-Lim noong Agosto ng nakaraang taon.
Ito ay kaugnay sa umano'y malisyosong tweet ni Dee sa naging kasalan ni Bautista-Lim kung saan nasabi nitong maaring ang ginamit sa gastusin sa kasal ay ang pondo raw ng party list nito.
"The anxiety, anguish, humiliation and the impact on my and my family’s reputation left us no choice but to file cases against those responsible for causing us so much grief and worry, which almost led to me losing our baby and which adversely affected some of our constituents’ trust in us," ang naging pahayag naman ni Bautista-Lim sa umano'y tweet ni Dee na nagtulak sa kanila para tuluyan nang kasuhan ito.
Si Ernest Lorenzo Velasquez Dee o mas kilala bilang si Enchong Dee ay isang Pinoy actor, model, at swimming enthusiast. Una siyang nakilala sa teleserye ng Kapamilya network na "Katorse" na pinagbibidahan ng malapit niyang kaibigan na si Erich Gonzales.
Source: KAMI.com.gh