Angeline Quinto, inanunsiyo na lalaki ang kanyang pinagbubuntis

Angeline Quinto, inanunsiyo na lalaki ang kanyang pinagbubuntis

- Kasunod ng pagbahagi ni Vice Ganda ng video ng inihanda niyang gender reveal para sa anak ni Angeline Quinto, pormal nang inanunsiyo ni Angeline ang kasarian ng kanyang panganay

- Aminado si Angeline na babae sana ang gusto niyang anak dahil ipapangalan niya umano sa kanyang pumanaw na Mama Bob

- Gayunpaman, aniya ay masayang-masaya siya na malamang lalaki ang kanyang anak

- Pinasalamatan naman ni Angeline sina Vice at ang kanyang pamilya para sa gender reveal party na inihanda nila para sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang Instagram post, pormal na isinapubliko ni Angeline Quinto ang gender ng kanyang anak. Ito ay kasunod ng pagbahagi ni Vice Ganda ng video ng inihanda niyang gender reveal para sa anak ni Angeline.

Angeline Quinto, inanunsiyo na lalaki ang kanyang pinagbubuntis
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Aminado si Angeline na babae sana ang gusto niyang anak dahil ipapangalan niya umano sa kanyang pumanaw na Mama Bob. Gayunpaman, aniya ay masayang-masaya siya na malamang lalaki ang kanyang anak. marami din sa mga kaibigan niya ang nakahula na lalaki ang kanyang baby.

Read also

Vice Ganda, nagdaos ng gender reveal para sa anak ni Angeline Quinto

Sa kanyang Instagram post ay pinasalamatan naman ni Angeline sina Vice at ang kanyang pamilya para sa gender reveal party na inihanda nila para sa kanya.

ITS A BOY!!! Sa wakas ma i- sshare ko na rin sa inyong lahat ang gender ng aking baby. Maraming salamat ate Vice @praybeytbenjamin at sa Viceral family para sa gender reveal party niyo sa akin! Excited na po ako sa journey ko bilang isang ina. Maraming salamat Panginoon sa isang napakagandang blessing na ibinigay niyo sa akin!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angeline Quinto ay isang mang-aawit na kinalaunan ay naging aktres din. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge telserye at pelikula.

Read also

'Little Princess' na si Jo Berry, ibinahagi ang pagpanaw ng ama dahil sa COVID-19

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel