Mariel Padilla, nagselos noon sa eksena nina Robin Padilla at Kris Aquino

Mariel Padilla, nagselos noon sa eksena nina Robin Padilla at Kris Aquino

- Sa kanyang Instagram stories, sinagot ni Mariel Padilla ang ilan sa mga katanungan sa kanya ng mga netizens

- Isa sa naitanong sa kanya ay kung meron umanong leading lady ang kanyang mister na si Robin Padilla na kanyang pinagselosan

- Nilinaw ni Mariel na hindi si Kris Aquino ngunit ang eksena nilang dalawa ni Robin sa pelikula ang pinagselosan niyan

- Minabuti niya ring linawin na mahal niya daw "to the max" ang kanyang Ate Kris

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi inatrasan ni Mariel Padilla ang ilan sa mga katanungan ng mga netizens na kanyang sinagot sa pamamagitan ng kanyang Instagram stories. Isa sa naitanong sa kanya ay kung meron umanong leading lady ang kanyang mister na si Robin Padilla na kanyang pinagselosan.

Mariel Padilla, nagselos sa eksena nina Robin Padilla at Kris Aquino
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Sa kanyang sagot, ibinahagi niya ang picture nina Robin at Kris Aquino. Nilinaw ni Mariel na hindi si Kris Aquino ngunit ang eksena nilang dalawa ni Robin sa pelikula ang pinagselosan niyan. Gayunpaman, aniya ay mahal niya "to the max" ang kanyang ate Kris.

Read also

Donny Pangilinan, hinangaan ng marami sa interview sa kanya ni Karen Davila

Not Ate Kris but the scene!!! Kasi may love scene tapos may mga bath tub scene... tapos naka diet ako tapos immature ako. Tapos nakakahiya kasi nag-react ako.

Aminado din si Mariel na pinagsisihan niya ang kanyang naging reaksiyon. Matatandaang naging magkarelasyon noon ang dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay ibinahagi ni Robin ang kanyang mensahe kaugnay sa hiling niyang tigilan ang pambabatikos kay Kris.

Ang aking salmo ay mabigyan ng Pahinga ang kaisipan at damdamin ni ms Kris para siya ay makabawi at makabalik sa kanyang lakas. Maging ano man ang kulay natin sa pulitika. Kailangan natin si ms Kris
Mariel Padilla, nagselos sa eksena nina Robin Padilla at Kris Aquino
Screenshot form Mariel Padilla's IG story (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Karen Davila, kinagiliwan sa reaksyon nito nang mahulog ang dalang pasalubong

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel