Scarlet Snow Belo, kinaaliwan sa wish nito na magkaroon ng baby brother

Scarlet Snow Belo, kinaaliwan sa wish nito na magkaroon ng baby brother

- Sa ibinahaging video ni Dra. Vicki Belo, ipinakita niya ang nakakatuwang game nila ng kanyang mag-amang sina Hayden Kho at Scarlet Snow Belo

- Salitan silang naghagis ng lapis at sinubukan nilang i-shoot iyon sa isang lalagyan matapos nilang banggitin ang kanilang mga hiling

- Kinaaliwan ang wish ni Scarlet na magkaroon siya ng baby brother at para masiguradong ma-shoot ang kanyang lapis, lumapit ito mismo sa lagayan at inilagay ang kanyang lapis

- Si Scarlet ang nag-iisang anak ng mag-asawa na naipanganak sa pamamagitan ng in vitro fertilization o IVF

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang kaarawan, isang nakaaliw na video ang ibinahagi ni Dra. Vicki Belo. Ipinakita niya ang nakakatuwang game nila ng kanyang mag-amang sina Hayden Kho at Scarlet Snow Belo kung saan salitan silang naghagis ng lapis at sinubukan nilang i-shoot iyon sa isang lalagyan matapos nilang banggitin ang kanilang mga hiling.

Read also

Video ng fitness journey kung paano nabawas ang 50 lbs kay Andi, viral na

Scarlet Snow Belo, kinaaliwan sa wish nito na magkaroon ng baby brother
HOLLYWOOD, CA - MAY 09: Doctor Vicki Belo arrives at "The Road" Los Angeles Special Screening at ArcLight Hollywood on May 9, 2012 in Hollywood, California. (Photo by Paul Redmond/WireImage)
Source: Getty Images

Kinaaliwan ang wish ni Scarlet na magkaroon siya ng baby brother at para masiguradong ma-shoot ang kanyang lapis, lumapit ito mismo sa lagayan at inilagay ang kanyang lapis.

haha! that reaction “where did that came from” from Scarlet’s I want a baby brother by hook or by crook is so hilarous. You are so funny @victoria_belo
happy birthday doc @victoria_belo what a nice fam and hope Scarlett's wish will come true

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Cute ng last part where Scarlet says, “ i want a baby brother” Epic ung last reaction ni doc Vicky especially ung reaction ni scarlet jealous face

Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.

Read also

Lolo Narding at caretaker na si Robert Hong, nagkasundo na

Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.

Nagdiwang siya ng kanyang ika-65 na kaarawan noong Enero. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel