Video ng fitness journey kung paano nabawas ang 50 lbs kay Andi, viral na

Video ng fitness journey kung paano nabawas ang 50 lbs kay Andi, viral na

- Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang kung ano ang kanyang pinagdaan para makapagbawas ng 50 pounds

- Aniya pumalo sa 175 lbs ang kanyang timbang sa ikatlong pagbubuntis niya

- Ngunit sa loob ng sampung buwan, kamangha-mangha ang laki sa nabawas dito

- Marami ang na-inspire sa maiksing video niyang ito na mayroon na agad nasa 60,000 likes sa loob lang ng ilang oras

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi ni Andi Eigenmann ang nakamamanghang fitness journey niya matapos siyang magsilang sa kanilang ikatlong anak noong nakaraang taon.

Nalaman ng KAMI na pumalo sa 175 lbs ang kanyang timbang noon subalit dala ng kanyang determinasyon, 50 pounds ang nabawas sa kanya sa loob ng sampung buwan.

Andi Eigenmann, ibinahagi ang fitness journey kung paano siya nagbawas ng 50 pounds
Photo: Andi Eigenmann
Source: Instagram
"Looking back on the progress I've made from gaining 175 lbs in my 3rd pregnancy to losing 50 lbs after 10 months"

Read also

Kim Chiu, lumipat muna ng tirahan dahil sa pagpositibo sa COVID ng kasama sa bahay

Pinasalamatan niya ang mga fitness coach niya kung saan kabilang ang kanyang fiancé na si Philmar Alipayo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Big shout out to coach @theislandboxer, @coachbaso and of course coach @chepoxz for all the help, inspo, and for making this journey so much fun!"

Aminado man siyang nasa dalawang buwan siyang natigil sa kanyang mga workout sessions subalit doon niya mas naisip ang kahalagahan nito.

"I do have my own personal fitness goals, of course, but exercise and staying active really does so much more to us that keep us fit."

Ang kabuuan ng video ng kanyang fitness journey ay mapapanood sa kanyang Instagram na @andieigengirl. Sa ngayon, umabot na sa halos 60,000 ang likes sa kanyang nakaka-inspire na video.

Si Andrea Nicole "Andi" Guck Eigenmann ay isang Filipina actress at model sa bansa. Siya ay anak ng mga batikang aktor na sina Mark Gil at Jaclyn Jose. Half-sister ng mga aktor na sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann at Max Eigenmann dahil sa kanyang ama.

Read also

Lolo Narding at caretaker na si Robert Hong, nagkasundo na

Matatandaang isa sina Andi sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette bago matapos ang taong 2021.

At kahit isa sila sa mga nasiraan ng tahanan at ari-arian, isa rin sila sa mga gumawa ng paraan upang makabangon ang kanilang lugar.

Kaya naman ang kita sa ilan sa kanilang mga Christmas vlogs ay nai-donate nila sa mga kapwa nila sinalanta ng Bagyong Odette.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel