Donnalyn Bartolome, umalma sa komento sa vlog niya sa Spider-man Premiere night

Donnalyn Bartolome, umalma sa komento sa vlog niya sa Spider-man Premiere night

- Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn Bartolome ang kanyang vlog sa pagkakaimbita sa kanya sa Primiere night ng Hollywood film na Spider-man Homecoming

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Isang netizen ang nagtanong at tila kumuwestiyon kung talaga daw bang inimbita si Donnalyn sa nasabing event

- Tinanong pa nito kung magkano daw kaya ang binayad ni Donnalyn para siya ay maimbitahan

- Agad namang sinagot ito ni Donnalyn at nilinaw niyang wala siyang binayad, bagkus binayaran lahat ng kanyang expenses sa kanyang trip bukod pa sa kanyang talent fee

Agad na inalmahan ni Donnalyn Bartolome ang isang komento ng netizen kaugnay sa pagkakasali niya sa mga personalidad na inimbita sa Primiere night ng Hollywood film na Spider-man Homecoming.

Donnalyn Bartolome, umalma sa komento sa vlog niya sa Spiderman Premiere night
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Kris Aquino, pinabulaanan ang balitang nasa ICU siya at nasa kritikal na kondisyon

Nagtanong ito at tila kumuwestiyon kung talaga daw bang inimbita si Donnalyn sa nasabing event. Tinanong pa nito kung magkano daw kaya ang binayad ni Donnalyn para siya ay maimbitahan.

Agad namang sinagot ito ni Donnalyn at nilinaw niyang wala siyang binayad, bagkus binayaran lahat ng kanyang expenses sa kanyang trip bukod pa sa kanyang talent fee.

Let me correct the question for you, you can wonder how much I was paid to fly to L.A. to watch Spiderman and meet some of the cast. All expense paid on top of my tf to promote Spiderman on an online streaming platform. Fool...ish heart, hear me calling..

Ibinahagi ni Donnalyn ang screenshot ng komentong ito at ang kanyang naging sagot sa kanyang Facebook account. Ibinahagi niya ang kanyang saloobin kaugnay dito:

People only see the fruit of your labor and not the sacrifices before every single achievement.. and most times they discredit you and refuse to believe your worth. Naghirap din ako, hindi ko lang kinwento.

Read also

Video ng fitness journey kung paano nabawas ang 50 lbs kay Andi, viral na

sa kanyang ibinahaging vlog, nilinaw din ni Donnalyn na ang premiere night na iyon ay naganap bago pa magkaroon ng pandemya.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Sa kabila naman dumaraming mga request ng fans noon, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel