Kris Aquino, pinabulaanan ang balitang nasa ICU siya at nasa kritikal na kondisyon

Kris Aquino, pinabulaanan ang balitang nasa ICU siya at nasa kritikal na kondisyon

- Sa kanyang pinakahuling Instagram post, minabuti ni Kris Aquino na linawin ang mga lumabas na mga balita

- Aniya, walang katotohanan ang balitang nasa St Luke’s BGC o di kaya'y nasa States siya

- Pinabulaanan niya rin ang balitang nasa ICU siya at nasa kritikal na kondisyon

- Aniya, sa kabila ng mga nilalabas na fake news tungkol sa kanyang kalagayan, buhay siya at lalaban dahil alam niyang kailangan siya ng kanyang mga anak

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang aniya'y fake news na nilalabas tungkol sa kanyang kalagayan. Aniya, walang katotohanan ang balitang nasa St Luke’s BGC o di kaya'y nasa States siya.

Kris Aquino, pinabulaanan ang balitang nasa ICU siya at nasa kritikal na kondisyon
Kris Aquino arrives for Warner Bros. Pictures' "Crazy Rich Asians" Premiere held at TCL Chinese Theatre IMAX on August 7, 2018 in Hollywood, California. (Photo by Albert L. Ortega)
Source: Getty Images

Pinabulaanan niya rin ang balitang nasa ICU siya at nasa kritikal na kondisyon.

it’s been disturbing that since Friday so many have been spreading fake news about me being either in St Luke’s BGC or the States but always with the same theme, that i’m in the ICU and in critical condition. NONE OF THAT IS TRUE.

Read also

Donnalyn Bartolome, umalma sa komento sa vlog niya sa Spider-man Premiere night

Aniya, sa kabila ng mga nilalabas na fake news tungkol sa kanyang kalagayan, buhay siya at lalaban dahil alam niyang kailangan siya ng kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

ayaw akong tigilan ng #fakenews and parang sobrang excited yung mga trolls na within 1 year both Noy & me would pass away. Sorry to disappoint pero buhay at ilalaban pa na mapahaba ang oras ko because kuya josh & bimb still need me.

Si Kris Aquino ay anak ng pumanaw na dating Pangulong Cory Aquino. Tatay naman niya ang pumanaw na rin na dating Senador Ninoy Aquino. Kapatid naman siya ni former President Noynoy Aquino, ang pangulo ng Pilipinas bago si President Rodrigo Duterte.

Ang “Queen of All Media” ay may anak kay Philip Salvador na si Josh at anak kay James Yap na si Bimby.

Read also

Video ng fitness journey kung paano nabawas ang 50 lbs kay Andi, viral na

Matatandaang naging usap-usapan ang pagbati ni Kris para sa isang taong hindi niya pinangalanan. Gayunpaman, kinalaunan ay napag-alamang si Mel Sarmiento ito.

Marami ang natuwa nang isapubliko ni Kris ang tungkol sa engagement nila kamakailan lang. Aniya, excited na siyang maging Sarmiento. Gayunpaman, kamakailan lang nang ibahagi ni Kris na nagpasya silang dalawa na maghiwalay na lamang.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel