Mura, nag-sorry na sa vlogger na si Virgelyn; "Sana magkita ulit tayo Mama Virgelyn"
- Nag-sorry na ang dating komedyanteng si Mura sa mga naging patutsada niya umano sa vlogger na si Virgelyn
- Aniya, marami na rin kasing reaksyon ang supporters sa mga nasabi ni Mura tungkol sa vlogger na tumulong sa kanya
- Naglabas na rin ng pahayag si Virgelyn patungkol sa mga naibulalas ni Mura at pinayuhan na rin niya ito
- Gayunpaman, parehong nabanggit ng dalawa na sana'y magkita muli sila at magkausap
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nag-sorry na ang dating komedyante na si Mura sa mga umano'y naging patutsada niya sa vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0.
Nalaman ng KAMI na muling nag-upload ng video si Mura kung saan humingi ito ng tawad maging sa mga supporters at subscribers ni Virgelyn na nasaktan din sa kanyang mga nasabi.
"Mama Virgelyn, alam ko pong hindi kayo masyadong nasaktan sa aking mga sinabi, pero yung mga supporters niyo po may reaksyon po don, so pasensya na po"
Aniya, joker lamang daw siya at hindi raw niya alam na makakasakit na pala ang mga nabitawan niyang salita.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Gayunpaman, tulad ng hiling ni Virgelyn sa kanyang nailabas na pahayag tungkol sa isyu na magkita muli sila ni Mura upang magkausap at magka-bonding.
"Na-miss ko na rin po kayo mama Virgelyn. Thank you sa tulong niyo sa akin dun sa aming lugar. Kahit napakalayo ng aming lugar, sinuyod niyo ang aking tahanan para iyon nga, matulungan niyo rin po ako."
"Maraming salamat at sorry... Sorry at nakapagsabi po ako ng ganun dahil sa aking saloobin. Sana maintindihan niyo po. Pasensya na po mga ka-legit, mga ka-Virgelyncare"
Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mura:
Si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan, isang noontime show sa ABS-CBN. Mas nakilala siya nang gawin siyang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.
Ilang linggo bago pumanaw ang kaibigang si Mahal ay nabisita pa siya nito sa Bicol para personal na kumustahin at bigyan ng tulong. Ito ay matapos na maibahagi ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang sitwasyon ni Mura sa Bicol. Sa ngayon, isa na ring vlogger si Mura.
Naging kontrobersyal kamakailan ang naging pahayag ni Mura sa kanyang Mama Virgelyn kung saan tahasang nasabi nito na hindi naman tataas ang views at subscribers nito kung hindi ito pumunta sa kanya.
Source: KAMI.com.gh