Pahayag ni Mura tungkol sa tulong sa kanya ni Virgelyncares, usap-usapan sa socmed

Pahayag ni Mura tungkol sa tulong sa kanya ni Virgelyncares, usap-usapan sa socmed

- Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pahayag ni Mura patungkol sa tulong sa kanya ng vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0

- Maraming netizens ang tila hindi nagustuhan ang mga naging pahayag ni Mura na kalauna'y inihingi naman niya ng tawad

- Nasabi niyang umabot man sa Php150,000 ang mga naitulong sa kanya ni Virgelyn ngunit mas malaki raw ang naitulong niya rito sa pagpapataas ng views at subscribers nito

- Aniya, wala raw sisihan kung anuman ang inilalabas niya noon sa kanyang facebook live

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging kontrobersyal ang mga naging pahayag ni Mura patungkol sa tulong na naibigay sa kanya ng vlogger na si Virgelyn ng Virgelyncares 2.0.

Nalaman ng KAMI na sa Facebook live ni Mura kamakailan, nagulat ang mga netizens sa mga nasabi ni Mura sa vlogger na umano'y naging daan para dagsain siya ng tulong kabilang na rito ang pagdalaw sa kanya ng kaibigang si Mahal bago pa ito pumanaw.

Read also

Vlogger na si Virgelyn, naglabas ng saloobin sa kontrobersyal na pahayag sa kanya ni Mura

Pahayag ni Mura tungkol sa tulong sa kanya ni Virgelyncares, usap-usapan sa socmed
Mura kasama ang vlogger na si Virgelyncares (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Sa naturang live, tahasang nasabi ni Mura na tila malaki rin umano ang naitulong niya kay Virgelyn sa pagkakaroon ng maraming views at subscribers.

"Natural naman 'yun na magbigay siya. Vlogger siya e. Papaano nga naman lalaki 'yung kanyang viewers, yung kanyang subscribers kung 'di siya pumunta sa amin? 'Di ba, dun siya kumita ng sobra-sobra"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"'Yung binigay niya sa'kin tulong niya yun at tulong ko na rin sa kanya dahil naging mataas na rin yung subscribers niya"
"Kaya walang sisihan kung anuman ang ilalabas ko sa aking bibig mga ka-legit,"
"Kung natulungan ako ni Virgelyn, natulungan ko rin siya. So parehas lang. Wala na po kaming pakialaman ngayon."

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mura na naibahagi rin ni Abs Quimma:

Si Allan Padua o mas kilala bilang si "Mura" ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan, isang noontime show sa ABS-CBN. Mas nakilala siya nang gawin siyang kakambal ni Mahal Tesorero. Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura.

Ilang linggo bago pumanaw ang kaibigang si Mahal ay nabisita pa siya nito sa Bicol para personal na kumustahin at bigyan ng tulong. Ito ay matapos na maibahagi ng vlogger na si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si "Mama Virgelyn" ng Virgelyncares 2.0 ang sitwasyon ni Mura sa Bicol. Sa ngayon, isa na ring vlogger si Mura.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica