Venus Raj sa nasabi niyang 'major-major'; "Nung una, naiinis ako 'pag naririnig ko 'yun"

Venus Raj sa nasabi niyang 'major-major'; "Nung una, naiinis ako 'pag naririnig ko 'yun"

- Inamin ni Venus Raj na naiinis pala siya tuwing naririnig ang minsan niyang nasambit na 'major-major'

- Matatandaang mas nakilala siya dahil sa expression na ito na kanyang sabi sa mismong laban niya sa Miss Universe 2010

- Aniya, hindi niya alam kung kinukutya ba siya dahil sa nagamit niyang mga katagang ito

- Ngunit isa ang 'major-major' sa expression na tumatak at madalas na magamit noong panahong iyon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin ni Miss Universe 2010 4th runner-up na si Venus Raj na naiinis pala siya tuwing naririnig niya ang katagang 'major-major.'

Matatandang ito ang salitang tumatak sa atin nang sumagot siya sa isa sa mga tanong sa kanya sa mismong Miss Universe pagent mahigit sampung taon na ang nakalilipas.

Venus Raj sa nasabi niyang 'major-major'; "Nung una, naiinis ako 'pag naririnig ko 'yun"
Venus Raj (Photo from Maria Venus Raj)
Source: Facebook

Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, nabanggit nito ang kasikatan ng expression na 'major-major' ngunit nagulat ito sa naging reaksyon ni Venus.

Read also

Rob Moya, sinorpresa si Toni Fowler ng dinner date kasama si Vince Flores

"Nung una, naiinis ako 'pag naririnig ko 'yun," pag-amin ni Venus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Kasi parang hindi ko alam if it was just an expression or 'di ko alam kung kinukutya ba ako cause I fumbled on that Q and A,"
"So feeling ko, ah grabe naman sila paulit-ulit!"

Natanong din ni Toni kung sa palagay ba ni Venus ay nagkamali rin siya noon sa naging kasagutan niya sa prestihiyosong pageant sa buong mundo.

"I was in denial of course. I watched some opf my interviews right after the pageant. Ta's parang sinasabi ko doon sa interview na hindi, wala akong babaguhin sa sinabi ko kasi 'yun talaga yung nasa heart ko,"

"Feeling ko hindi ko siya na-communicate in a manner that I really want to communicate with people since English is not our first language so may translation pang nangyayari sa utak ko," paliwanag ni Venus.

Read also

BF, sa paboritong online game nila ng GF ginawa ang wedding proposal

Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ni Toni mula sa YouTube channel nito na Toni Gonzaga Studio:

Si Maria Venus Bayonito Raj ay isang Filipino-Indian actress, model at beauty pageant titleholder. Siya ang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2020 kung saan ginawaran siya bilang 4th runner-up.

Isa lamang si Venus sa mga kilalang personalidad na nakapanayam ni Toni Gonzaga sa kanyang YouTube channel.

Ilan sa mga ito ay ang mga presidentiables tulad nila Mayor Isko Moreno at Senator Manny Pacquiao. Naging kontrobersyal din ang naging interview ni Toni kay dating senador Bongbong Marcos na isa rin sa mga kumakandidato sa pagka-pangulo sa darating na eleksyon.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel