Willie Revillame, pinasilip ang kanyang hotel-resort sa Tagaytay
- Ipinasilip ni Willie Revillame ang ipinatayo nitong hotel-restaurant sa Tagaytay sa kanyang show na Wowowin kamakailan
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
- Ipinakita ng Wowowin host sa isang video presentation ang mga pictures ng resort na pinangalanan niyang “Eru.”
- Aniya, puwede umano dito dausan ng mga pagdiriwang ng kasal, kaarawan at maging ang team building
- Hindi pa umano bukas ang naturang hotel-resort at maging ang restaurant dahil na rin sa pandemic at wala pa siyang nakukuhang mamamahala rito
Pinakita ni Willie Revillame ang kanyang bonggang hotel-resort at restaurant na matatagpuan sa Tagaytay. Habang mataas pa ang kaso ng COVID-19, dito kasalukuyang ginagawa ang programa niyang "Wowowin-Tutok To Win."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Hindi pa bukas sa publiko ang kanyang hotel-resort at restaurant dahil bukod sa wala pa siyang nakukuhang mamamahala rito, mahirap pa ding magbukas dahil sa pandemya.
Panoorin ang kabuuan ng video dito:
Narito ang komento ng mga netizens sa hotel-resort ni Kuya Wil:
Wow para akong nakakita ng isang paraiso. Ang ganda ng hotel and resort mo Will. Mabuti ka jasing tao kaya hindi ako nagtataka na lalo kapa pinagpapala ng ating Panginoong Diyos. I pray na bigyan ka pa ng mahabang buhay
Napaka ganda po Kuya Will ng resort mo sa Tagaytay tunay kang pinagpala dahil may mabuti kang kalooban, sa dami ng iyong natulungan ipinagdarasal ka ng lahat ng mga yan tunay na ikaw ang ginawa ng Panginoong Jusukristo na maging daluyan ng biyaya na nagmumula sa Panginoon
Wow ganda ng resort mo sir willie sana makarating ako pg my pera mula sa iyo sir Wille bgo ako pumanaw sa mundong ito stay safe god bless always
Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime, at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.
Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.
Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.
Source: KAMI.com.gh