Toni Fowler, nagulat sa taas ng grades ng anak na si Tyronia; "Proud ako sa'yo anak"

Toni Fowler, nagulat sa taas ng grades ng anak na si Tyronia; "Proud ako sa'yo anak"

- Ibinahagi ni Tyronia Fowler ang reaksyon ng Toro family sa kanyang grades sa first quarter ng kasalukuyang school year

- Nagawa pa niyang biruin ang ilan sa kanila at inakala ng mga ito na mabababa ang grades ni Tyronia

- Pagdating sa kanyang Tatay Elon, nagkunwari pa siyang napagalitan siya ng kanyang Mommy Oni kasi 'mababa' raw ang grades niya

- Kitang-kita naman ang tuwa ni Toni Fowler sa grado ng kanyang anak na pinagbubuti pa rin ang pag-aaral kahit online classes pa rin ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ibinahagi ni Tyronia Fowler sa kanyang YouTube channel ang reaksyon ng kanyang Toro Family sa First Quarter grades niya.

Nalaman ng KAMI na nagawa pa niyang lokohin ang kanyang Toro Family sa pag-aakalang mababa ang grades niya.

Isa na rito ang kanyang "Tito Vicente" na nagkunwaring hindi pa nalalaman ang magagandang grades ni Tyronia.

Read also

Viral 'Kangkong chips' owner, idinetalye ang lungkot at tagumpay ng kanyang negosyo

Toni Fowler, nagulat sa taas ng grades ng anak na si Tyronia; "Proud ako sa'yo anak"
Photo: Toni Fowler
Source: Facebook

Sunod naman niyang ipinakita ang kanyang grades sa kanyang Tatay Elon na nagsumbong pa siya at kunawring napagalitan siya ng kanyang Mommy Oni dahil sa kanyang grades. Kaya naman natuwa ang kanyang tatay Elon nang makitang mataas naman pala ang grades ni Tyronia.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

At nang ipakita naman niya ito sa kanyang Mommy Oni, labis din itong natuwa dahil sa grades ni Tyronia.

Aniya, mas matataas man ang grades ni Tyronia bago ang online classes subalit proud pa rin siya sa anak gayung maraming challenges ang online classes.

Bago matapos ang vlog, nagpayo pa si Tyronia sa kapwa niya bata na mag-aral ng mabuti para na rin sa mga magulang nilang nagsisikap makapag-aral lamang sila.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Tyronia Fowler YouTube channel:

Si Tyronia Fowler ay anak ni Toni Fowler na sikat na YouTube Star sa bansa.

Read also

Doc Willie Ong, nagpositibo sa COVID-19; nagbigay ng payo base sa kanyang nararanasan

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez.

Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Kamakailan, nag-viral ang vlog ni Rob kung sana bumalik ito sa tahanan ng Toro family para ipagluto sila.

Ikinatuwa na sana ito ng marami subalit nilinaw ni Rob na hindi sila nagbalikan ni Toni kaya sana'y huwag nang lagyan ng ibang kulay ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel