Moi Bien Marcampo, nagbahagi ng pagbati sa kaarawan ni Piolo Pascual

Moi Bien Marcampo, nagbahagi ng pagbati sa kaarawan ni Piolo Pascual

- Sa kanyang birthday greeting para kay Piolo Pascual, ibinahagi ni Moi Bien Marcampo ang ilang litrato nilang magkasama

- Niloko pa niya si Piolo na kapag umabot na ito ng 50 at hindi pa rin ito nakapag-asawa, baka sila daw talaga ang magkakatuluyan

- Si Moi ay naging PA ni Piolo kahit noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang showbiz career

- Kinalaunan, nag-artista na rin ito at naging bahagi na rin ng maraming mga palabas at pelikula

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Moi Bien Marcampo ang kanyang pagbati para kay Piolo Pascual sa kanyang ika-45 taong kaarawan. Kalakip ng kanyang pagbati ay ang mga pictures nilang magkasama.

Moi Bien Marcampo, nagbahagi ng pagbati sa kaarawan ni Piolo Pascual
Piolo Pascual during a photo session of "In Times of the Devil" in Germany, Berlin, Berlinale, (Photo by Maurizio Gambarini/picture alliance)
Source: Getty Images

Niloko pa niya si Piolo na kapag umabot na ito ng 50 at hindi pa rin ito nakapag-asawa, baka sila daw talaga ang magkakatuluyan.

Read also

Lotlot de Leon, hindi pinalampas ang aniya'y panghuhusga sa kanya

Happy birthday my Mayor ❤️❤️❤️ youre the best!! and your the yummiest, the yummyer? hehe i love you beri beri Much!! Ikaw lang yung habang tumantanda lalong sumasarap!! ahahaha pag di ka pa nakapag asawa tapos 50 years old kana!! Naku lagot baka tayo talaga!! wahahahaha happy birthday ❤️ @piolo_pascual

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang pagbati para sa Papa P ng showbiz.

Si Moi o mas kilala bilang si Yaya Moi ay naging PA ni Piolo kahit noong nagsisimula pa lamang ito sa kanyang showbiz career.

Kahit pa Personal Assistant lamang siya ay tila kapamilya narin ang turing ng aktor sa kanya. Madami na ring litrato nila ang binahagi ni Moi na talaga namang kinainggitan ng maraming netizens. Tinulungan din siya ni Piolo na matupad ang isa niyang pangarap.

Read also

Jelai Andres, ibinahagi ang unpublished clips mula sa ToniTalks interviews niya

Isa na siyang degree holder matapos siyang makapag enrol sa culinary class. Kinalaunan, nag-artista na rin ito at naging bahagi na rin ng maraming mga palabas at pelikula.

Si Piolo Pascual ay kilala bilang isa sa pinakahinahangaang leading man sa showbiz. Ilan sa mga naging kapareha niya sa pelikula at teleserye ay sina Judy Ann Santos, Claudine Barretto, Angel Locsin, Bea ALonzo, Toni Gonzaga at marami pang iba.

Matatandaang nag-donate si Piolo ng 200 na bike para sa bike drive ni Gretchen Ho. Nauna na ring ring naibahagi ni Piolo ang kanyang resthouse sa Batangas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel