Jelai Andres, ibinahagi ang unpublished clips mula sa ToniTalks interviews niya

Jelai Andres, ibinahagi ang unpublished clips mula sa ToniTalks interviews niya

- Ibinahagi ni Jelai Andres ang ilan pang bahagi ng panayam sa kanya ni Toni Gonzaga sa online show nito na ToniTalks

- Kabilang sa hindi naipalabas ay ang kwento ni Jelai na dumating sa puntong hindi na tumatalab sa kanya ang mga tinuturok na gamot

- Kaya naman, sinabi umano sa kanila ng doktor na sa psychiatrist na siya dapat dalhin dahil sa paglala ng kanyang kalagayan

- Kaugnay ito sa kanyang pinagdaanang pagkalugmok sa paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Jon Gutierrez

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ilan sa bahagi ng panayam ni Toni Gonzaga kay Jelai Andres ay hindi na naipalabas sa video na na-upload sa YouTube channel ni Toni. Sa kanyang bagong video na binahagi, pinakita ni Jelai ang ilan sa mga unpublished clips mula sa ToniTalks interviews niya.

Jelai Andres, ibinahagi ang unpublished clips mula sa ToniTalks interviews niya
Jelai Andres (@jelaiandresofficial)
Source: Instagram

Kabilang sa hindi naipalabas ay ang kwento ni Jelai na dumating sa puntong hindi na tumatalab sa kanya ang mga tinuturok na gamot. Kaya naman, sinabi umano sa kanila ng doktor na sa psychiatrist na siya dapat dalhin dahil sa paglala ng kanyang kalagayan.

Read also

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

Lalo naman siyang hinangaan ng kanyang followers matapos niyang maibahagi ang kanyang pinagdaanan:

Already watch it from Tony talk mommy. Pero gusto kung panoorin ulit dite. Hehe. Grabi pala pinag daan an mo miloves pero of all the pains ayan at fighting ka pa rin. I love you soo much. Nag bigay ka po ng inspirasyon sa lahat. God bless you miloves

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakaka proud na sa lahat ng masasakit na pinagdaanan mo still in the end nabuo mo ulit yung sarli mo ng hindi mo nalalaman. Im so happy for you ate jelai! We love you!
Super proud kami sayo miloves kasi kahit na gaano kahirap mga pinagdaanan mo nabuo mo parin sarili mo at nagagawa mo padin kami pasayahin kahit na nasasaktan kana

Si Jelai Andres ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Sa kainitan ng pagputok ng balita tungkol sa muling paghihiwalay nila ni Jon, hindi napigilang ilabas nina Jelai at kapatid nito ang kanilang sama ng loob kay Jon. Matapos ang pag-trending ng tungkol sa isyu nila, naapektuhan ng husto si Jelai. Sa katunayan, ibinahagi ng kaibigan niya na pumayat na nga ito dahil hindi masyadong nakakakain.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel