Team Kramer, namigay ng paracetamol syrup sa mga nangangailangan nito

Team Kramer, namigay ng paracetamol syrup sa mga nangangailangan nito

- Namamahagi ng paracetamol syrup ang pamilya Kramer matapos mapag-alamang may shortage na nito

- Personal stock na ang kanilang ipamamahagi lalong-lalo na sa mga nangangailangan talaga nito

- Nagtira lamang sila ng sasapat para sa kanilang tatlong mga anak at ang iba ay kanilang naipamahagi na rin sa mga pamilya sa kanilang kasama sa bahay

- Pati raw ang delivery fee ng pagpapadala ng mga gamot ay sagot na rin ng pamilya Kramer

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kahanga-hanga ang pagmamalasakit ng pamilya nina Chesca at Doug Kramer na namamahagi ng paracetamol syrup sa mga labis na nangangailangan nito.

Sa Instagram post ni Chesca, gumawa ng video ang mag-asawa upang ipaalam sa publiko na magbabahagi sila ng kanilang personal stock ng Paracetamol Tempra.

Team Kramer, namigay ng paracetamol syrup sa mga nangangailangan nito
Doug and Chesca Kramer (@chekakramer)
Source: Instagram

Napag-alaman kasi nilang nagkakaroon na ng shortage sa mga gamot maging ang gamot pambata sa dami ng nagkakasakit ngayon.

Read also

Madam Kilay, ibinahagi ang naipundar na property na katas ng kanyang vlogging

"Even Tempra Philippines just announced that i's really out of stock everywhere," pahayag ni Doug.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman hindi sila nagdalawang-isip na ibahagi ang kanilang stock lalo na sa mga nangangailangan nito.

"We left just enough stock for our kids. We're giving the rest for your children."

Nagtira lamang sila ng sasapat para sa kanilang tatlong mga anak at nakapamahagi na rin sila sa mga pamilya ng kanilang kasama sa bahay.

Tinodo na rin ng pamilya Kramer ang pagbibigay gayung pati ang delivery fee ay sagot na rin nila.

"We will shoulder the delivery charge as well. Unfortunately, Manila residents only."

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Sa ngayon, ang 'Team Kramer' ang isa sa mga inspiring families sa bansa. Isa sa mga naibahagi nila sa kanilang vlogs ay ang transformation ng condo nila.

Kahit pa ang kanilang pamilya ay maituturing na ilan sa mga pinaka-successful pagdating sa kanilang mga investment, inamin ni Doug na hindi naging madali ang kanilang pagsisimula.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica