Edu Manzano, pumasok noon sa klase ni Direk Joey Reyes na tuwalya lang ang suot
- Sa video na ibinahagi ni Luis Manzano kung saan nakausap niya nang masinsinan ang kanyang amang si Edu Manzano, nakwento ng mag-ama ang karanasan ni Edu bilang isang varsity player habang nag-aaral
- Isa umano sa kanyang naging propesor ay ang batikang direktor na si Direk Joey Reyes at binalaan nito si Edu kaugnay sa palagi nitong pagiging late sa klase
- Sinabi niyang hindi na ito maaring ma-late sa klase at ma-drop siya kapag naulit pa ito kaya pinilit umano ni Edu na pumasok kahit naka-tuwalya lang siya
- Kwento pa ng aktor, pinaupo umano siya ni Direk Joey sa upuan malapit sa aircon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa kanilang heart-to-heart talk sa YouTube channel ni Luis Manzano, naibahagi ni Luis ang isang trivia tungkol sa kanyang amang si Edu Manzano. Naibahagi niyang isa itong varsity sa De La Salle University at ito umano ang kauna-unahang estudyante na pumasok sa klase na tanging tuwalya lang ang suot.
Bago ito ay binalaan umano siya ng kanyang propesor na si Direk Joey Reyes na bawal na siyang ma-late sa klase niya dahil dropped na umano siya nito kapag nagkataon.
Matapos mapasarap sa kanyang paliligo, napilitang pumasok na sa klase si Edu dahil naisip niyang tatlong units din ang hawak ni Direk Joey na klase niya.
Kwento pa ni Edu, tinanong siya nito kung nagpapatawa daw ba siya. Sinubukan niyang magpaliwanag ngunit ang ginawa umano sa kanya ni Direk Joey ay pinaupo siya sa upuang malapit sa aircon.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Biro naman ni Luis sa ama, gagawin niya rin iyon ngunit ulo na lang daw niya ang tatakpan niya ng tuwalya.
Si Jose "Joey" Javier Reyes ay isang Filipino professor, writer at director. Ginawaran siya ng mga parangal mula sa Gawad Urian, Metro Manila Film Festival at Filipino Star Awards for Movies para sa kanyang mga pelikula kagaya nang Pahiram ng Isang Umaga, Batang PX at Kasal, Kasali, Kasalo.
Kamakailan ay nilabas din ni Direk Joey ang kanyang saloobin kaugnay sa MMFF entries ngayong taon. Nauna na rin niyang naikumpara ang Pinoy movies sa Korean movies. Marami sa mga celebrities ang nagreact dito.
Source: KAMI.com.gh