Claudine Barretto, nakasama ang mga anak ni Marjorie Barretto sa pagdiriwang ng bagong taon
- Sa isang video na kanyang binahagi ngayong bagong taon, pinakita ni Claudine Barretto ang kanilang pagdiriwang kasama ang kanyang mga pamangkin at iba pang kapamilya
- Makikita sa kanyang video ang dalawa sa mga anak ni Marjorie Barretto na sina Leon at Claudia Barretto
- Dahil sa naganap na tampuhan sa pagitan nila nina Marjorie noon sa lamay ng kanilang ama, marami ang natuwa na makitang unti-unti na silang nagkakaayos
- Hindi naman malinaw kung naroroon din ba si Marjorie sa kanilang New Year celebration
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Nakita sa video na ibinahagi ni Claudine Barretto na naroroon sina Leon at Claudia Barretto para sa pagdiriwang ng bagong taon. Naroroon din ang mga anak ni Claudine at iba pang pamangkin.
Dahil sa naganap na tampuhan sa pagitan nila nina Marjorie noon sa lamay ng kanilang ama, marami ang natuwa na makitang unti-unti na silang nagkakaayos:
Wow nakaka touch naman with leon, and claudia? Good to see you all together! Happy new Barretto Families I'm so happy that you were together.
Leon and Clau in a single new year event, thats WOW! Hoping that Gretch, Julia, Clau, Marj and the rest of BARRETTO in a single place with all the LOVE. I LOVE YOU Barrettos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Happy New Year mama pretty idol Claudine at sa buong family..God bless u always..i love you idol Claudine!
Hindi naman malinaw kung naroroon din ba si Marjorie sa kanilang New Year celebration
Si Claudine Barretto ay sumikat sa kanyang pagiging bahagi ng "Ang TV" noong taong 1992. Nang sumunod na taon, kasama siya sa palabas na pinagbibidahan ng Comedy King na si Dolphy Quizon na pinamagatang "Home Along Da Riles."
Ilan sa mga teleseryeng pinagbidahan niya ay Mula sa Puso, Saan Ka Man Naroroon, Sa Dulo ng Walang Hanggan, Marina, at Iisa Pa Lamang. Ikinasal siya sa aktor na si Raymart Santiago noong taong 2006 ngunit kalauna'y nagkahiwalay din.
Naging usap-usapan din kamakailan ang muling paggawa ng pelikula ni Claudine at ng dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.
Kamakailan ay lumabas sa isang panayam kay Claudine na sinabi nitong hindi umano dumadalaw sina Marjorie at Julia Barretto sa kanyang mommy.
Source: KAMI.com.gh