Eric Tai, buong pagmamalaking ibinida ang misis; umalma sa body-shaming

Eric Tai, buong pagmamalaking ibinida ang misis; umalma sa body-shaming

- Sa kanyang Facebook post, isang netizen ang nagtanong kay Eric Tai kung bakit hindi niya makumbinsi ang kanyang misis na mag-exercise

- Imbes na magpaapekto ay pinili ni Eric na ibida ang kanyang misis upang ipaalam kung gaano siya ka proud dito

- Aniya, isa ang kanyang misis sa mga plus size model sa bansa at maraming mga brands ang kumukuha sa kanya

- Marami ang lalong humanga sa pinakitang ito ni Eric para ipagtanggol ang kanyang misis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na nag-viral ang komento ng isang netizen sa Facebook post ni Eric Tai na kilala din bilang si Eruption. Nagtanong ito kay Eric Tai kung bakit hindi niya makumbinsi ang kanyang misis na mag-exercise.

Eric Tai, buong pagmamalaking ibinida ang misis; umalma sa body-shaming
Photo from @eruption23
Source: Facebook

Imbes na magpaapekto ay pinili ni Eric na ibida ang kanyang misis upang ipaalam kung gaano siya ka proud dito. Aniya, isa ang kanyang misis sa mga plus size model sa bansa at maraming mga brands ang kumukuha sa kanya.

Read also

Maggie Wilson, nagbahagi ng video ng kanyang anak na si Connor

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa naging sagot na ito ni Eruption:

God created all of us differently. Society has painted and illustrated “skinny” as the typical body and sometimes people who tries to conform to what society expects, tend to be unhappy. They try so hard to please others expectations and opinions. There’s no need to body shame someone. She is gorgeous and has confidence in her own body. Confidence alone is Beauty! I applaud her being comfortable in her own skin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nagsasabi na dapat niya baguhin yung wife niya to be fit... Hindi naman po palaging ganon... if you love your wife, you do not have to ask her to change her appearance just to please the audience. She is more than enough.... #womenempowerment

Read also

Andi Eigenmann, ilalaan sa Siargao ang kita ng ilang YouTube videos nila

Wag kayong mapanglait sa kapwa ninyo , Alam mo sa lugar Nila Ang healthy na katawan yan Ang maganda sa kanila , marahil sa paningin ng iba dito sa atin di maganda pero Hindi naman yan Ang basihan para e- body shame Ang isang taong may healthy na pangangatawan
Eric Tai, buong pagmamalaking ibinida ang misis; umalma sa body-shaming
Eric Eruption Tai
Source: Facebook

Si Eric Tai ay isang Tongan actor, model, TV host, comedian at isang rugby union player na naglaro para sa Alabang Eagles at kumatawan sa Pilipinas sa national rugby union team. Naging isa din siya sa naging host ng It's Showtime kung saan nakilala siya sa bansag na Eruption.

Noon pa man ay kinabiliban na si Eric sa kanyang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang misis. Matatandaang nanganak ng maaga sa kanyang nakatakdang araw ng panganganak ang misis ni Eruption noong 2019.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate