Nadine Lustre, namakyaw ng solar panels sa hardware para sa Siargao
- Isang netizen ang nagpatotoo ng kabutihang loob ng aktres na si Nadine Lustre kaugnay sa patuloy nitong pagtulong sa mga taga-Siargao
- Ayon sa netizen, tumungo siya sa sa isang hardware sa siyudad ng El Salvador sa probinsya ng Misamis Oriental upang bumili sana ng ilaw at solar kits
- Napag-alaman niyang naubos na ang supply ng solar kits dahil binili umano ang mga ito ni Nadine para sa Siargao
- Matatandaang personal na tumungo si Nadine sa Siargao upang maghatid ng tulong at siya din mismo ay tumulong sa paglagay ng solar charging station
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Matapos umani ng papuri kamakailan dahil sa kanyang personal na pagtungo sa Siargao upang makatulong, muling naging usap-usapan ang kabutihang loob ni Nadine Lustre matapos ikwento ng isang netizen ang ginawang pagpakyaw ni Nadine ng solar panels sa hardware para sa Siargao.
Ayon sa netizen na nagngangalang Ervic, tumungo siya sa sa isang hardware sa siyudad ng El Salvador sa probinsya ng Misamis Oriental upang bumili sana ng ilaw at solar kits. Napag-alaman niyang naubos na ang supply ng solar kits dahil binili umano ang mga ito ni Nadine para sa Siargao.
Personal din siyang tumulong sa pagkabit ng solar charging station kasama ang ilang miyembro ng Greenpeace Philippines. Matatandaang namalagi din si Nadine sa Siargao nang ilang buwan bago pa dumating ang bagyo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, sa isang panayam kay Nadine ng GMA News reporter na si JP Soriano, sinabi niyang proud siya sa mga taga Siargao dahil nakita niya ang pagtutulungan ng mga ito, upang muling makabangon sa kanilang pinagdaaanang pagsubok.
Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila nitong January, 2020.
Samantala, aminado si Nadine na nakaramdam siya ng pangamba na maapektuhan ang kanyang showbiz career matapos ang pagdalang ng trabaho para sa kanya. Gayunpaman, natutunan niya umanong huwag madaliin ang mga bagay-bagay.
Naging laman din siya ng balita kamakailan matapos maghain ng reklamo ang talent agency na VIVA kaugnay sa paglabag umano niya ng kontratang pinirmahan niya.
Source: KAMI.com.gh