Maggie Wilson, sinabing pinagkait na makasama niya ang anak ngayong Pasko
- Ibinahagi ni Maggie Wilson na napagkaitan siyang makasama ang kanyang anak ngayong pasko
- Aniya, lumipas na ang 48 oras ngunit hindi niya pa nakakasama ang anak para sana magbukas ng kanilang mga regalo
- Naibahagi niya rin na nangyari ito sa kabila ng kanilang naging kasunduan tungkol sa bagay na ito
- Ang kanyang tinutukoy ay ang anak nila ng kanyang dating asawang si Victor Consunji na si Conor
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi napigilang maglabas ng saloobin si Maggie Wilson tungkol sa pagkakait sa kanya na makasama ang anak sa Pasko. Aniya, naghanda siya at nagluto para sana makasama ang anak kasama ang kanyang pamilya ngunit hindi ito nangyari sa kabila ng kanilang napagkasunduan.
Aniya, lumipas na ang 48 oras ngunit hindi niya pa nakakasama ang anak para sana magbukas ng kanilang mga regalo. Naibahagi niya rin na nangyari ito sa kabila ng kanilang naging kasunduan tungkol sa bagay na ito. Ang kanyang tinutukoy ay ang anak nila ng kanyang dating asawang si Victor Consunji na si Conor.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Christmas Day didn’t pan out as planned. I had planned and cooked a beautiful dinner for family and friends with my son over. Unfortunately, I was denied that. Over Xmas eve and Xmas day, I was refused time with my son Connor despite an agreement being made prior. It’s been 48 hours, I didn’t get to open presents with him or even have a meal with him. This kind of situation sadly happens in “certain” families and as is seen as “normal”.
Si Maggie Wilson ay isang TV Actress na isinilang noong March 15, 1989. Ang British-Filipino actress ay isa ding beauty queen at reality television personality. Kinoronahan siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.
Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko nina Maggie at Victor ang kanilang paghihiwalay ngunit anila'y mananatili silang magiging magkaibigan.
Naging usap-usapan din ang cryptic post ni Maggie tungkol sa kung ano ang nagpalakas sa kanila kasunod ng paghihiwalay sila ni Victor.
Source: KAMI.com.gh