Christine Samson, hindi pinalampas ang pang-iintriga ng kanyang basher

Christine Samson, hindi pinalampas ang pang-iintriga ng kanyang basher

- Isang Facebook user ang sinagot ni Christine Samson matapos nitong pansinin ang umano'y pagpaparetoke ng video game streamer

- Diretsahan namang sinagot ni Christine ang basher na tila nagtatanong kung nagparetoke daw siya

- Ani Christine, nagparetoke nga siya ng ilong at aniya pa ay para hindi na iniipit ang ilong kagaya ng nasa picture ng naturang basher

- Kaagad namang nagdeactivate ang naturang basher kasunod ng sagot ni Christine sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos magdeactivate ng kanyang Facebook account ang basher ni Christine Samson, ibinahagi ni Christine ang screenshot ng komento nito sa kanyang Facebook post. Diretsahan sinagot ni Christine ang basher na tila nagtatanong kung nagparetoke daw siya.

Christine Samson, hindi pinalampas ang pang-iintriga ng kanyang basher
Christine Samson (@christinesamsonn)
Source: Instagram

Inamin ni Christine na nagparetoke nga siya ng ilong at aniya pa ay para hindi na iniipit ang ilong kagaya ng nasa picture ng naturang basher. Ibinahagi niya rin ang picture nito.

Read also

Madam Inutz sa kanyang magiging future jowa: "Love me for who I am"

Christine Samson, hindi pinalampas ang pang-iintriga ng kanyang basher
Screenshot from Christine Samson
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan noon ang kumalat na mga litrato diumano ni Christine o kilala bilang si Genie-Nga ng It's Showtime.

Sa isang tweet, inilabas ni Christine ang kanyang reaksiyon kaugnay sa mga intrigang ipinupukol sa kanya. Gayunpaman, hindi niya inamin o pinagkaila ang tungkol sa isyu.

I’ll say it now and I’ll say it one last time. We can all do what we want with our bodies. We all have the freedom to do so. Everyone should feel happy about who they are and what they aspire to be. Red heart Ang mahalaga po wala tayong tinatapakang tao . Peace and love!

Samantala, nagpahayag ng kanilang suporta kay Christine ang ilang mga netizen:

Kahit ano pa sabihin nila, ang ganda ng gawa sayo at super ganda mo po ❤️ Idol na idol ko face mo.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

May masama ba kung retoke. eh thats how you make things better. inggit lang siya.
Di ko gets ano ba issue sa retoke. the way i see it parang pagpapa’braces lang yan na ginagawa para maenhance yung ganda ng ngipin. syempre mas bongga lang ang retoke, ginagawa para maenhance yung ganda ng mukha so anong issue don?

Nakilala si Christine Samson sa isa sa segment ng noontime show na It's Showtime. Siya ay nakilala sa bansag na "Genie-Nga" sa segment na+ Piling Lucky. Siya ay isang commercial model, host, at isang video game streamer.

Sa naunang ulat ng KAMI, agad na nag-trending si Christine a.k.a. Genie-Nga matapos siyang ipakilala sa It's Showtime.

Hindi niya rin pinalampas ang pang-iintriga sa kanya kaugnay sa umano'y pagpaparetoke niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate