Jennylyn at Dennis, dalawang linggo agad na nagkawalay mula nang ikasal

Jennylyn at Dennis, dalawang linggo agad na nagkawalay mula nang ikasal

- Ibinahagi nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang unang pagkakataon na sila ay nagkawalay mula nang sila ay ikinasal

- Kinailangan na kasing magtrabaho na agad ni Dennis isang araw matapos silang ikasal

- Aminadong nalungkot si Jennylyn na talagang alagang-alaga kay Dennis lalo na nang makumpirma nila ang kanyang pagbubuntis

- Dalawang linggo agad silang nagkawalay dahil sa lock-in taping ni Dennis kaya naman labis nilang na-miss ang isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakabagong vlog ni Jennylyn Mercado, ibinahagi nila ang unang pagkakawalay nila ng kanyang asawa na si Dennis Trillo.

Nalaman ng KAMI na isang araw lamang matapos ang kanilang civil wedding, kinailangan nang sumalang ni Dennis sa kanyang lock-in taping.

Jennylyn at Dennis, dalawang linggo agad na nagkawalay mula nang ikasal
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado)
Source: Instagram

Bago pa ito, walong araw siyang namalagi muna sa quarantine hotel. Matapos ito pitong araw naman na nag-taping si Dennis kaya naman dalawang linggo silang nagkawalay ng kanyang misis na nagdadalang-tao.

Read also

Lolo na umaakyat ng puno para kumita ng pera, natulungan ng RTIA

Dahil dito, mag-isa lamang na nagpa-check up si Jennylyn para makita ang kalagayan ng kanilang baby.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Dennis naman ay laging naiisip ang ginagawa ng kanyang misis sa ilang araw na hindi niya ito kasama.

Aminado mang malungkot, kinaya naman ito ni Jen lalo na at lagi rin naman siyang kinukumusta ni Dennis.

Narito ang kabuuan ng kanilang vlog na nagpapakita kung gaano nila ka-love ang isa't isa:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y asawa na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Read also

Aby Maraño, hiling na maging totoong masaya siya sa taong 2022

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

At nito lamang Nobyembre 15, naibahagi ni Jennylyn sa kanyang Facebook page na ikinasal na sila ni Dennis Trillo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel