Grab delivery driver, naiyak matapos makatanggap ng biyaya mula kay Vicki Belo
- Sa kanyang vlog, binahagi ni Dra. Vicki Belo ang kanyang pagpapahalaga at pasasalamat sa mga Grab delivery drivers
- Bilang pasasalamat sa kanilang sakripisyo na magtrabaho sa gitna ng kinakaharap na panganib dahil sa pandemya, binigay niya sa mga rider ang pagkaing inorder niya at nagbigay din siya ng P8,000 sa kanila
- Isa sa mga driver na kanyang nakausap ay hindi napigilang maiyak matapos niyang matanggap ang perang bigay ni Dra. Belo
- Maging si doktora ay naging emosyonal din matapos makitang naluha ang driver
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bilang pasasalamat sa mga sakripisyo ng mga Grab delivery drivers, minabuti ni Dra. Vicki Belo na magbahagi ng biyaya sa kanila. Binigay niya sa mga rider ang pagkaing inorder niya at nagbigay din siya ng P8,000 sa kanila.
Isa sa mga driver na kanyang nakausap ay hindi napigilang maiyak matapos niyang matanggap ang perang bigay ni Dra. Belo. Maging si doktora ay naging emosyonal din matapos makitang naluha ang driver.
Aniya, malambot talaga ang mga puso niya lalo na sa mga taong nagsusumikap at nagtatrabaho nang marangal.
Dagdag pa ni Dra. Belo, kaya P8,000 ang kanyang binigay ay dahil gusto niyang infinite blessing ang matanggap ng mga riders.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Narito ang reaksiyon ng mga netizens:
So grateful to watch your vlog Dra. Vicky. So touching kasi even in your busy time eh naisipan nyo po na mag share ng blessing to the people who work hard to their family. So touching and happy to watch your vlog
You are so kind and humble Dra Belo. Praying you will be blessed with happiness and good health.
Twice kong pinanood ang video..naiyak padin ako..napaka bait talaga ni Dra.Vicky Belo..
Si Victoria Gonzales Belo, o mas kilala sa kanyang screen name na Vicki Belo, ay isa sa mga pinakatanyag na dermatologists at cosmetic surgeons sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Bukod sa kanyang matagumpay na karera sa medikal na larangan, si doktora Belo ay isa ring aktibong lector sa iba’t ibang organisasyon sa larangan ng cosmetic surgery.
Naging bahagi rin ang doktora ng ilang Pinoy movies gaya ng Beauty in a Bottle, Rakenrol, at Sosy Problems.
Nagdiwang siya ng kanyang ika-65 na kaarawan noong Enero. Sa kanyang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawa, ilang throwback pictures naman ang ibinahagi ni Hayden Kho.
Source: KAMI.com.gh