Lyca Gairanod, pinakita ang unboxing video niya ng mga yayamaning gift mula kay Small Laude

Lyca Gairanod, pinakita ang unboxing video niya ng mga yayamaning gift mula kay Small Laude

- Sa kanyang panibagong vlog pinakita ni Lyca Garanod ang mga binigay na regalo ng vlogger na si Small Laude

- Hindi lang isa kundi apat na nakabalot na regalo ang kanyang pinakita sa kanyang unboxing video

- Isang malaking smart TV, bread toaster, microwave oven at isang malaking rice cooker ang laman ng regalong natanggap niya mula kay Small

- Matatandaang nakasama nila ni Karen Davila si Small sa pagdiriwang nila kamakailan ng kanilang kaarawan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pinakita ni Lyca Gairanod ang kanyang pasasalamat kay Small Laude sa binigay nitong mga regalo para sa kanyang kaarawan. Apat na mga nakabalot na regalo ang kanyang binuksan at lahat ng iyon ay galing umano kay "Mamshie Small."

Lyca Gairanod, pinakita ang unboxing video niya ng mga yayamaning gift mula kay Small Laude
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Isang malaking smart TV, bread toaster, microwave oven at isang malaking rice cooker ang laman ng regalong natanggap niya mula kay Small. Matatandaang nakasama nila ni Karen Davila si Small sa pagdiriwang nila kamakailan ng kanilang kaarawan.

Marami naman ang humanga at napa-sana all sa regalong natanggap ni Lyca:

Wow bravo! Thank you so much Maam Small Laude ang bait niyo po. Be thankful Miss lyca kung ano po yung natanggap at huwag na po magparinig kasi mas maganda po yung may regalo dumating na kusang ibinigay at galing sa puso. Stay humble and healthy Miss lyca.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Wooooow Small Laude ur truely kindhearted person thank you so much in behalf of idol Lyca she's very happy while unboxing all.What a gift dami nia God bless you Small Laude and Lyca stay humble and keep safe and healthy.God bless all of you
Sana all my Small Laude na kaibigan .So happy for you Lyca.Thank you so much Ma'am Small for sharing your blessings to her.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nagviral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel