Virgelyn, patatayuan ng bahay ang lalaking sa imburnal kumukuha ng tubig inumin

Virgelyn, patatayuan ng bahay ang lalaking sa imburnal kumukuha ng tubig inumin

- Natulungan ng vlogger na si Virgelyncares ang isang lalaking namumuhay mag-isa sa gilid ng kalsada

- Napag-alaman pa ni Virgelyn na ang pinagkukunan ng inuming tubig ng lalaki ay mula sa imburnal

- Iyon na rin daw ang kanyang ipinanliligo kaya naman labis ding nabahala ang vlogger para sa kanya

- Sa tulong ng ilang pinuno ng kanilang lugar, mapatatayuan ng munting tahanan ang lalaki upang may maayos itong masilungan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nabigyang pansin ng vlogger na si Virgelyncares ang isang lalaking naninirahan sa gilid ng kalsada.

Nalaman ng KAMI na ang lalaki ay may bahagyang diperensya na rin sa pag-iisip na piniling manirahang mag-isa sa kanyang tagpi-tagping tirahan.

Pinaalalahanan din si Virgelyn ng mga taga roon na mag-ingat sa lalake dahil may pagkakataong ito ay nananakit.

Virgelyn, natulungan ang lalaking sa imburnal na lang kumukuha ng tubig inumin
Ang vlogger na si Marco Rodriguez kasama ang bago niyang matutulungan (Photo from Virgelyncares 2.0)
Source: Facebook

Ngunit masaya namang sinalubong si Virgelyncares ng lalaki lalo na at inabutan naman niya ito ng makakain.

Read also

Virgelyncares, kinumusta ang natulungang ina na gumagapang na lamang

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kwento ng lalaki, wala na raw siyang pamilya at 'naghahanap' pa lamang daw siya ng asawa.

Subalit ayon sa ilang nakakikilala sa kanya, mayroon na raw itong anak subalit 'di matukoy ang kinaroroonan.

Ang labis na nakababahala sa kalagayan nito ay ang pag-inom niya ng tubig imburnal dahil wala siyang makunan ng malinis na tubig.

Iyon na rin umano ang kanyang panligo kaya naman mas lalong naawa si Virgelyn sa kalagayan ng lalaki.

Dahil dito, nakipag-ugnayan si Virgelyn sa mga pinuno ng lugar nila upang maayos na mabigyan nila ng tirahan ang lalaki. Gobyerno kasi ang may-ari ng kinatitirikan ng tirahan ng lalaki kaya minabuti ni Virgelyn na magpaalam muna bago ituloy ang binabalak na pagpapatayo ng maayos na tahanan para sa lalaki.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Virgelyncares 2.0 YouTube channel:

Read also

Video ng lalaking namatayan ng mag-ina bago ang kanyang graduation day, viral

Si Marco Rodriguez o mas kilala bilang si Virgelyn ng 'Virgelyncares 2.0' ay isang YouTube content creator sa Bicol na ang pangunahing laman ng kanyang mga video ay ang pagtulong sa kapwa.

Dahil din sa mga subscribers niya ng mga overseas Filipino workers o OFW, lalong dumarami ang kanyang mga natutulungan. Umabot na sa 1.33 million ang kanyang mga subscribers.

Si Virgelyn ang naging daan upang makita ng publiko ang kalagayan ngayon ng dating artista na si Mura.

Dahil din dito, napuntahan ito ng kanyang kaibigan at partner sa mga palabas sa telebisyon na si "Mahal" ilang linggo bago ito pumanaw nitong Agosto 31.

Kamakailan, nagdiwang ng kaarawan si Virgelyn kung saan mas pinili niyang makasama ang Aeta community sa kanila para mabigyan niya ang mga ito ng tulong.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica