Chad Kinis sa mga pinagdaanan sa buhay bago makilala: "It's not an overnight success"
- Ibinahagi ni Chad Kinis ang kanyang mga pinagdaanan bago niya matamasa ang kasalukuyang kaganapan sa kanyang buhay
- 17-anyos pa lamang siya nang magsimula siyang mamuhay na mag-isa at bawat pinagdaanan niya ay talagang kanyang pinaghirapan
- Dala ng pagmamahal niya sa kanyang ginagawa, naging regular performer na siya isang comedy bar bago mapasabak sa 'Miss Q&A' kung saan siya mas nakilala
- Sa kabila ng mga rejections na naranasan niya sa nakaraan, hindi pa rin siya nakakalimot na magbahagi ng biyayang tinatamasa sa ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa pinakabagong video ni Mama Loi sa kanyang YouTube channel, mas lalo niyang naipakilala sa publiko ang kilalang komedyante ngayon na si Chad Kinis.
Nalaman ng KAMI na buong tapang na ibinahagi ni Chad ang mga nangyari muna sa kanyang buhay bago siya napasok sa showbiz.
Teenager siya nang pumanaw ang kanyang ina na aminado siyang dinamdam niya kahit mayroon pa naman silang ama bilang magulang.
Subalit dahil sa hindi mailabas ni Chad ang totoo niyang pagkatao sa harap ng ama, nagdesisyon siyang mamuhay ng mag-isa sa edad na 17.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"Hindi naman ako magiging ako kung hindi ako aalis. Wala akong pera noon meron lang akong Moto razr, mga apat na t-shirt, tsinelas, umalis ako"
Dala ng kanyang diskarte ibinenta niya ang kanyang cellphone sa halagang tatlong libong piso na pinagkasya niya upang makapagsimula ng sarili niyang buhay.
"'Yung Php1,000 doon pinang-borading house ko kaagad. 'Yung Php1,000 naman budget ko sa paghahanap ng trabaho. Yung one thousand naman budget ko pangkain."
Naikwento ni Chad na marami pa siyang pinagdaanan bago tuluyang maging isang regular na komedyante sa mga comedy bar.
Dumaan muna siya sa pagiging isang DJ at maging ang pagiging isang call center agent ay pinasok din niya subalit talagang ang nasa puso niya ay ang magbigay saya at magpatawa ng mga tao.
"Sa comedy bar, hindi naman ako natanggap agad. Madami akong pinagdaanan parang 5 years bago ako naging komedyante talaga."
Nagsimula siya sa mga maliliit na comedy bar na ang ilan ay nagawa pa siyang tanggihan.
Hanggang sa lakas loob na siyang lumuwas ng Maynila sa The Library upang subukan ang kapalaran niya roon. Aminadong nagpabalik-balik siya roon mula taong 2007 hanggang 2010 kung kailan na siya natanggap.
Aminadong nakiusap lang siyang makapasok para lang mag-training kahit daw wala pa siya noong bayad.
Sa sobrang pagmamahal niya sa kanyang ginagawa, matiyaga pa siyang nagbibiyahe mula Malate sa Maynila pauwi ng Batangas.
Matapos lamang ang ilang buwan, saka lamang siya naging regular sa 'The Library'.
Hanggang sa napasabak na siya sa 'Miss Q&A' kung saan mas marami na ang humanga sa kanyang kakayahang makapagpatawa ng mga tao.
"It's not an overnight success... I've worked for a decade just to gain the little things that I have right now."
Narito ang kabuuan ng video na talagang kapupulutan ng aral ng marami:
Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.
Kilala rin si Chad sa pagiging isang mapagmahal na kaibigan. Katunayan, binigyan niya kamakailan ng mamahaling sapatos si Awra Briguela.
Sa naturang interview din ni Ogie Diaz kay Chad, nasabi nito ang pagsuporta ng komedyante sa mga foundation na hinahawakan nila.
Source: KAMI.com.gh