Ex Battalion, magsasama-sama sa concert nilang may ticket price na hanggang Php35,000

Ex Battalion, magsasama-sama sa concert nilang may ticket price na hanggang Php35,000

- Muling magkakasama ang mga miyembro ng Ex Battalion para sa kanilang online concert sa December 11

- Ito ang kauna-unahang virtual show ng grupo na makukumpleto muli para sa pinaghahandaang show

- Puspusan ang rehearsals nila sa Araneta Coliseum kung saan gaganapin ang kanilang concert

- Subalit dahil online ito, walang audience na manonood sa Big Dome taliwas sa kinasanayan ng ExB na may malakihang bilang ng crowd ang nakasanayang pagtanghalan

- Isa rin sa usap-usapan sa concert na ito ay ang ticket price ng show mula Php300 hanggang Php35,000

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mabubuo muli ang grupo ng Ex Battalion para sa "Evoluxion: An Ex Battalion Online Concert."

Nalaman ng KAMI na naibahagi na nila ang poster ng show kung saan makikitang kumpleto ang 14 na orihinal na miyembro ng grupo.

Read also

Dennis at Jennylyn, idinetalye ang mga kaganapan sa kanilang civil wedding

Gaganapin ang kanilang online concert sa Disyembre 11, sa Araneta Coliseum subalit walang manonood sa mismong venue. Taliwas ito sa kinasanayan nang pagtanghalan ng grupo na may mga nanonood na malalaking bilang mga tao na kitang-kita nilang nag-e-enjoy sa kanilang show.

Ex Battalion, magsasama-sama sa concert nilang may ticket price na hanggang Php35,000
Yuridope, Brando, Flow-G, Honcho, Skusta clee, King Badger, JRoa at Emcee Rhenn (Photo from Ex Battallion)
Source: Facebook

Puspusan na ang rehearsal nila para sa show lalo na ito rin ang kauna-unahan nilang online concert.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa rin sa mabilis na naging usap-usapan ay ang ticket prices na nagkakahalaga ng Php300 hanggang Php35,000.

Hindi raw maisasakatuparan ito kung hindi dahil sa pag-alalay sa kanila ng Frontrow Philippines.

Ang Ex Battalion ay isa sa mga kilalang hiphop group sa Pilipinas na kinabibilangan nina Honcho, Flow G, Skusta Clee, King Badger, Emcee Rhenn, Brando, JRoa, Yuri Dope, Jekkpot, Huddasss, Jnskie, Bullet-D, Cent at ElJ. Ilan sa mga sumikat nilang awitin ay ang Hayaan mo sila, Ikaw Kase at Follow my Lead.

Read also

Short video ng kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, viral

Isa sa mga miyembro nila si Skusta Clee o Daryl Jake Borja Ruiz. Siya ang partner ng kilalang YouTuber na si Zeinab Harake at nabiyayaan na sila ng isang baby girl na si "Zebbiana" o "Bia" kung kanila itong tawagin.

Emosyonal si Skusta nang ipakita niya ang video ng panganganak ni Zeinab sa kanilang first baby.

Sobrang excited kasi talaga ng mga first-time parents na talagang pinaghandaan ang pagdating ng kanilang munting prinsesa. Katunayan, pinagawan na nila talaga ito ng sariling kwarto na mismong sina Skusta at Zeinab ang namili ng mga gamit at disenyo.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica