Mylene Dizon, kinaaliwan matapos nitong makaligtaang magpantalon sa isang zoom session

Mylene Dizon, kinaaliwan matapos nitong makaligtaang magpantalon sa isang zoom session

- Muling kinaaliwan ang isang TikTok video na kuha sa online show ni Angelica Panganiban na Ask Angelica

- Sa nasabing episode guest sa kanyang show sina Mylene Dizon, Cherry Pie Picache at Agot Isidro

- Sa kalagitnaan ng show, nabanggit ni Angelica ang tungkol sa kanilang live audience na ikinabigla ni Mylene

- Hindi niya daw alam na may live audience kaya dali-dali itong nagsuot ng pantalon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling kinagiliwan ang isang TikTok video na mula sa isang episode ng online show ni Angelica Panganiban na Ask Angelica. Sa nasabing episode guest sa kanyang show sina Mylene Dizon, Cherry Pie Picache at Agot Isidro.

Mylene Dizon, kinaaliwan matapos nitong makaligtaang magpantalon sa isang zoom session
Mylene Dizon (@missmylenedizon)
Source: Instagram

Bilang isang surfer, proud na pinakita ni Mylene ang kanyang abs at nagbahagi siya ng kanyang tips pagdating sa pagpapanatiling fit ang kanyang katawan.

Sa kalagitnaan ng show ay nabanggit ni Angelica ang tungkol sa kanyang live audience na ikinabigla ni Mylene. Napatanong ito kung totoong may live audience saka dali-daling tumayo at nagsuot ng kanyang pantalon.

Read also

Niña Jose-Quiambao, sinabing gustong ipa-tattoo ang pangalan ng asawa

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Grabe kaaliw! Haha! Yung reaksiyon niya nang malamang may live audience pala. Pero in fairness ang saya nila mag-usap. Parang ang sarap nilang maging kaibigan, walang plastikan. Napakatotoo.
Tawang-tawa ako! Grabe yung halos mangalahati na yung show wala siyang pantalon. Haha! Hindi niya pala alam na live kaya todo pakita siya ng abs. Pero in fairness naman body goals talaga itong si Mylene kahit nasa 40s na.
Isa to sa inaabangan ko dati. Haha! Iba sin talaga si Mylene, may Pa-abs sa mga live viewers. Haha! Sa camera pa nagsara ng zipper.

Si Mylene Lilibeth Dizon ay isang Pinay actress at model. Isa siya sa mga talents ng talent agency ng ABS-CBN na Star Magic. Nagsimula siya sa kanyang showbiz career noong 1996 sa ABS-CBN at lumipat sa GMA noong 2003. Naging bahagi siya ng mga teleserye kagaya ng Captain Barbell, Agawin Mo Man Ang Lahat, at Dyesebel.

Read also

OFW na kumanta sa mall sa Dubai, nagulat nang pinalakpakan ng mga nanonood sa kanya

Matatandaang isa si Mylene sa natanong tungkol sa lumabas na bali-balitang nanganak si Julia Montes noon.

Bago pa man nagkaroon ng pandemya, isa si Mylene sa mga artistang nahilig sa pagtatanim. Marami ang natuwa at naaliw sa kanyang buhay probinsiya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel