Lola ni Lyca Gairanod, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pinakamamahal na apo

Lola ni Lyca Gairanod, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pinakamamahal na apo

- Sa panayam ng showbiz writer na si Aster Amoyo kay Lyca Gairanod at sa pamilya nito, hindi napigilang maging emosyonal ng kanyang lola

- Ang lola ni Lyca ang kasama niya at nagpalaki sa kanya kaya palaging sinasabi ni Lyca na mahal na mahal niya ito

- Sa kanyang mensahe para sa kanyang apo, hindi nito mapigilang maging emosyonal at maiyak

- Minabuti ni Lyca na magpatayo na lamang ng bahay na malapit sa kanyang lola dahil ayaw nitong umalis sa lumang bahay nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa ang lola ni Lyca Gairanod sa dahilan kung bakit mas pinili ni Lyca na ibenta na lamang ang bahay na kanyang napanalunan sa singing contest na nagpasikat sa kanya. ANiya, pinag-isipan niyang maigi ang kanyang desisyon na ibenta iyon.

Lola ni Laica Gairanod, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pinakamamahal na apo
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Sinubukan niya umanong dalhin ang lola niya doon ngunit ayaw daw ng lola niyang umalis sa kanilang lumang bahay. Kaya naman, naisip ni Lyca na magpatayo na lamang ng bahay malapit sa kanyang lola.

Read also

Pamilya ni Lyca Gairanod, malaki ang pasasalamat sa kanyang nagawa para sa kanila

Ang lola ni Lyca ang kasama niya at nagpalaki sa kanya kaya palaging sinasabi ni Lyca na mahal na mahal niya ito. Sa kanyang mensahe para sa kanyang apo, hindi nito mapigilang maging emosyonal at maiyak.

Ang tanging gusto niya lang daw sana ay huwag siyang makalimutan ng apo kapag nawala na siya. Matatandaang pumatok ang video ni Lyca kung saan pinakita niya ang dati nilang bahay kung saan nakatira ang kanyang lola.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isinama niya rin ito sa iba pa niyang mga vlogs at marami ang natuwa sa kanilang pagiging malapit.

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nagviral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate