Niña Jose-Quiambao, sinabing gustong ipa-tattoo ang pangalan ng asawa
- Hindi ikinaila ni Niña Jose na gusto niyang ipa-tattoo ang pangalan ng kanyang asawa sa katawan niya
- Gayunpaman, nag-alangan umano siya dahil sa dahilan kagaya ng hindi na siya maaring makapag-donate ng dugo
- Ibinahagi niya na gusto niya din daw ipa-tattoo ang pangalan ng anak nilang si Antonio
- Naging kontrobersiyal ang relasyon nilang mag-asawa dahil sa 33 taong pagitan ng kanilang edad
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Walang kautal-utal na sinagot ni Niña Jose ang tanong ng kanyang asawang si Mayor Cezar Quiambao kaugnay sa kung papayag daw ba itong ipa-tattoo ang pangalan ng mister sa kanyang katawan.
Inamin ni Niña na gusto niya sanang gawin iyon ngunit nag-aalangan siya dahil sa ilang dahilan kagaya na lamang ng maaring hindi na siya makapagdonate ng dugo. Gusto niya rin daw iipatattoo ang pangalan ng anak nilang si Antonio.
Ang tanungan ng mag-asawa ay makikita sa video na ibinahagi ni Niña sa kanyang official Facebook page na pinamagatang Lie Detector Test w/ Cezar. Ito ang kanilang video na ibinahagi sa araw ng kanilang wedding anniversary at sa pagdiriwang na rin sa kaarawan ni Mayor Cezar.
Hangad nilang sa pamamagitan ng nasabing video ay mas makilala pa silang mag-asawa at malaman ng tao kung paano sila bilang mag-asawa:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Find out who is more honest in this Anniversary Vlog with Cezar and celebrate our anniversary with us today, November 17 (PS. the game is not a real measure of our trust and loyalty to each other. Cezar and I are always honest and will always love each other no matter what the lie detector says
Si Niña Jose o Mary Claire Niña José-Quiambao sa totoong buhay ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 1 noong taong 2006.
Taong 2017 nang ikasal siya kay Cezar Quiambao na isang politiko at businessman mula Bayambang, Pangasinan.
Noong buwan ng Marso ay kinompirma ni Mayor Quiambao na nag-positibo silang mag-asawa sa COVID-19. Sa kanyang inilabas na pahayag, sinabi niyang maayos na ang kalagayan nilang mag-asawa matapos makatanggap ng karampatang pangangalagang medical mula sa mga doktor.
Source: KAMI.com.gh