Janus Del Prado sa isinapubliko ang hiwalayan at humingi ng privacy: "contentisking"
- May patutsada na naman di umano si Janus Del Prado sa mga nagsapubliko ng kanilang hiwalayan at humingi ng privacy
- Sa kanyang Instagram post, may binigay itong termino sa "#contentisking" sa sitwasyong ito
- Komento naman ng mga netizens sa post ni Janus, tila reaksyon ito ng aktor sa mga taong nais na gawing content maging ang kanilang personal na buhay
- Matatandaang gumawa ng ingay si Janus kamakailan dahil sa pagtatanggol niya sa isa sa mga malalapit na kaibigan na si Bea Alonzo
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Muli na namang lumabas ang pangalan ni Janus Del Prado kamakailan dahil sa kontrobersyal niyang post tungkol sa mga taong nag-anunsyo at isinapubliko ang kanilang hiwalayan subalit humingi ng privacy pagkatapos.
Nalaman ng KAMI na sa kanyang Instagram post, may ginamit pa umano itong termino sa sitwasyon ito at tinawag niya itong "#contentisking"
"'Yung in-announce mo sa publiko na hiwalay na kayo sabay hingi ng privacy" ang bahagi ng kanyang post.
Dahil dito, mabilis ng nagbigay ng samu't saring reaksyon ang netizens.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Malinaw na wala namang binigay na pangalan si Janus ngunit maraming naging kuro-kuro ang netizens lalo na at tila sunod-sunod ang hiwalayang nagaganap ng mga celebrity couples.
Ayon pa sa ilang netizens, ang terminong ginamit ni Janus na "#contentisking" ay patungkol umano sa mga taong nais na gawing content sa social media maging ang kanilang personal na buhay.
Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.
Kamakailan, nakapanayam siya ni Ogie Diaz kung saan idinetalye ni Janus ang mga cryptic post na bahagi lamang umano ng pagtatanggol niya sa kanyang mga kaibigan partikular na kay Bea Alonzo.
Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh