Meryll Soriano, pinakita ang sinasakyan ni Kuya Wil pagpasok sa trabaho
- Ipinakita ni Meryll Soriano ang isang video ng kanyang papa kung saan base sa kanyang caption ay papunta na ito sa kanyang trabaho
- Naglalakad ito papunta sa kanyang helicopter hanggang sa sumakay na siya at umalis na ang helicopter
- Sa kanyang programang Tutok to Win ay nakikita na rin ang kanyang helicopter at minsan pa ay naka-unipormeng pangpiloto ang TV host
- Matatandaang nag-viral ang kanyang video ng pag unbox niya ng isa sa kanyang mga helicopter
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kanyang Instagram post, pinakita ni Meryll Soriano ang tagpo kung saan paalis na ang ama papunta sa kanyang trabaho sa Wil Tower. Nang magkaroon ng pandemya, ang Wil Tower ang nagsilbing workplace ng TV host pati na rin ng kanyang mga staff.
Naglalakad ito papunta sa kanyang helicopter hanggang sa sumakay na siya at umalis na ang helicopter. Sa kanyang programang Tutok to Win ay nakikita na rin ang kanyang helicopter at minsan pa ay naka-unipormeng pangpiloto ang TV host. Matatandaang nag-viral ang kanyang video ng pag unbox niya ng isa sa kanyang mga helicopter.
Sa naunang vlog ni Meryl ay nabanggit niya kung gaano ka hands on ang kanyang ama sa pag-iisip ng mga bagong ideas para sa kanilang show. Naipakita kamakailan ni Meryl ang resort ni Willie kung saan naroroon din ang kanyang yate. Kwento pa ni Meryl, doon sa yate umano kadalasang nag-iisip ang kanyang papa patungkol sa trabaho.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.
Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya palagi ng maraming taong mga nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa usaping pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.
Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.
Source: KAMI.com.gh