Jennylyn Mercado sa kanyang naudlot na surrogacy: "Nung time na 'yun 'di pa ako handa"

Jennylyn Mercado sa kanyang naudlot na surrogacy: "Nung time na 'yun 'di pa ako handa"

- Sa kanyang vlog, ibinahagi ni Jennylyn Mercado kasama ang kanyang fiancé na si Dennis Trillo ang kanilang naudlot na surrogacy

- Taong 2018 pa raw nang mapagdesisyunan nilang mag-freeze na lang ng eggs at humanap ng surrogate parents

- Aminado si Jennylyn na hindi pa siya handang magdalang-tao noon kaya naisipan nila itong gawin

- Lumipad pa silang Amerika para sa matagumpay na proseso ng surrogacy

- Subalit mas malaking surpresa pala ang mangyayari sa kanila sapagkat nabuntis na rin si Jennylyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang nag-abang sa part 2 ng 'After all' vlog ni Jennylyn Mercado kung saan kasama niya ang kanyang fiancé na si Dennis Trillo na nagdetalye ng kanilang surrogacy journey.

Nalaman ng KAMI na buong tapang na isiniwalat ng dalawa ang una nilang plano na mag-freeze na lamang ng kanilang eggs at humanap ng surrogate parents na magdadala sa kanilang anak.

Read also

Tom sa honeymoon nila ni Carla: "Ayaw kong nagwo-worry ka, lahat 'yun ako na"

Jennylyn Mercado sa kanyang naudlot na surrogacy: "Nung time na 'yun 'di pa ako handa"
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado YouTube channel)
Source: Instagram

Taong 2018 pa raw nang kanila itong mapag-usapan. Dalawang beses pa raw nilang sinubukan ito dito sa Pilipinas subalit hindi ito naging matagumpay.

"Nung mga time na 'yon, hindi pa talaga ako handa na mag-carry ng baby," bungad ni Jennylyn.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Siyempre ayaw na ni Jen na pagdaanan yung 9 months na 'yun," dagdag naman ni Dennis.

Ayon pa sa Kapuso aktres, sayang daw ang mga panahong iyon na maari pa rin siyang magtrabaho kaya naisip nila ang surrogacy.

Kahit pandemic, lumipad ng Amerika si Dennis na siyang unang magbibigay ng kanyang specimen.

Dahil sa may taping pa ang aktor, agad itong bumalik at si Jennylyn naman ang lumipad patungong Las Vegas USA upang isagawa ang proseso.

Nagkataong nag-lockdown muli ang Metro Manila kaya naman naisipan ni Dennis na sundan si Jen sa Amerika upang suportahan ito sa halos isang buwan niyang pagdaan sa proseso ng kanilang binabalak na gawin.

Read also

Elisse Joson, ibinahagi ang kanyang 'ADIML' video kasama ang kanyang baby Felize

Naging matagumpay naman ito at nakahanap na rin sila ng surrogate parents na magdadala sana sa kanilang magiging anak.

Hanggang sa 'di inaasahang pagkakataon, nabuntis na mismo si Jennylyn kaya naman hindi na naituloy pa ang surrogacy.

Narito ang kabuuan ng kanilang pinagdaanan mula sa Jennylyn Mercado YouTube channel:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y fiancée na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng 'Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Isa si Lolit Solis sa mga nagbahagi ng ilang kaganapan sa taping bago tuluyang matigil ang aktres. Naibahagi rin ng betaranang showbiz reporter ang kanyang pagsuporta sa susunod na kabanata ng buhay nina Jen at Dennis Trillo gayung nakikita niya ang katatagan ng relasyon ng dalawa.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel