Bea Alonzo, kinaaliwan sa kanyang "higad" comment sa bagong vlog

Bea Alonzo, kinaaliwan sa kanyang "higad" comment sa bagong vlog

- Sa kanyang bagong vlog ay nakasama ni Bea Alonzo ang YouTube star na si Zeinab Harake

- Ginawa nilang dalawa ang "What's in the box challenge" kung saan padamihan sila ng mahuhulaang bagay na nakalagay sa box nang hindi nila ito tinitingnan

- Hindi nakalampas sa mga netizens ang naging pahayag ni Bea nang marinig niya ang salitang higad

- Aniya, maraming higad sa paligid habang nakangiti at agad din siyang natawa matapos nitong masambit

- Marami naman ang natuwa sa collab ni Bea at Zeinab dahil parehas umano silang strong at independent na mga babae

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Zeinab Harake ang guest ni Bea Alonzo sa kanyang bagong vlog kung saan ginawa nilang pareho ang "What's in the box challenge." Sa challenge na ito, kailangang mahulaan nila ang mga bagay na nasa loob ng box na inihanda ng staff ni Bea.

Read also

Ethel Booba at mga kaibigan, kinaaliwan sa kanilang "Try not to Laugh" video

Bea Alonzo, kinaaliwan sa kanyang "higad" comment sa bagong vlog
Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Kakapain lamang nila ang mga ito at hindi nila pwedeng makita. Hindi naman nakaligtas sa mga netizens ang pahayag ni Bea nang marinig niyang ang salitang higad. Hirit niya, "maraming higad sa paligid." Sinabi niya ito nang nakangiti at agad din siyang natawa matapos nitong masambit

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang natuwa sa collab ni Bea at Zeinab dahil parehas umano silang strong at independent na mga babae.

Bea and Zainab are two strong independent women with natural beauty and with a golden heart. Their beauties have no boundaries
My two favorite vloggers... Yung vlog nila na talagang may lesson... Real people, real pair... Love it, Lah,. Maraming higad sa paligid dAw. Ah hahaha
Super saya na naman neto. Yung feeling na d mo na maramdam ung pagod sa maghapon tuwing sabado kasi excited ka na for another Bea's VLog

Read also

Pinoy actor sa 'Squid Game', na-discriminate sa Korea; "She threw a cabbage on my face"

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Matapos nga ang ilang araw na naging maugong ang usap-usapan ng paglipat ni Bea sa GMA-7, kinumpirma ng network ang pagiging isang ganap na Kapuso ng aktres. Nakatanggap si Bea ng mainit na pagtanggap mula sa pamunuan ng nasabing network.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel