Jason Tesorero, umalma sa mga taong nanghuhusga sa kanilang pamilya

Jason Tesorero, umalma sa mga taong nanghuhusga sa kanilang pamilya

- Hindi napigilan ng kapatid ni Mahal Tesorero na si Jason Tesorero na umalma sa mga negatibong komento ng netizens sa kanilang pamilya

- Mayroong mga netizens na nagkukumpara sa pagmamahal at pag-aalaga umano ng mga Tesorero sa pag-aalaga ng Pamilya Molino

- Nilinaw ni Jason na mahalaga sa kanila si Mahal ngunit hindi nila maibibigay ang pagmamahal at kaligayahang maaring ibigay ngi Mygz sa kanya

- Nilinaw niyang hindi niya sinisisi ang Pamilya Molino sa nangyari sa kapatid niya ngunit nais niya lamang umano ipakita kung gaano nila kamahal ang kapatid niya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Napilitang magsalita si Jason Tesorero upang ipagtanggol ang kanilang pamilya sa mga negatibong mga komento ng mga basher. Kinukumpara at kinukuwestiyon ng ilang netizens ang Pamilya Tesorero bakit wala sa kanila si Mahal.

Jason Tesorero, umalma sa mga negatibong komento sa kanilang pamilya
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Nilinaw ni Jason na mahal na mahal nila si Mahal dahil baby umano nila ang kapatid. Gayunpaman, gusto din daw ni Mahal na magkaroon ng sarili niyang pamilya at ibang pagmamahal at kasiyahan naman ang maibibigay ni Mygz sa kanya kasa hiling niya ay juwag ikumpara ang kanilang pagmamahal sa kanilang kapatid.

Read also

Jason Tesorero, sinabing hindi tama ang inilabas patungkol sa pagkatao ni Mygz Molino

Inalmahan din niya ang akusasyong ginagamit nila si Mahal. Kaugnay ito sa pagkakaroon niya ng kanyang YouTube channel pagkatapos ang pagpanaw ni Mahal.

Paglilinaw niya, karapatan nioya rin na gumawa ng sarili niyang channel dahil kung halos lahat nga daw ng kamag-anak ni Mygz na isinama si Mahal sa kanilang vlog at hindi din naman nagpaalam sa kanila. Aniya, si Mygz lamang ang nagpaalam sa kanila na isama si Mahal sa kanyang mga vlogs.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Mahal Tesorero o Noemi Tesorero sa totoong buhay ay unang nakilala sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Read also

Mga kapatid ni Mahal, naging emosyonal nang balikan ang huling mensahe ni Mahal

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: Kami.com.ph

Online view pixel