Didong Dumadag, nakapag-taping pa sa Family Feud bago isugod sa ospital dahil na stroke
- Pumanaw si Ronnie "Didong" Dumadag noong Agosto 10, 2024, sa edad na 47
- Isinugod siya sa MCU Hospital sa Caloocan City dahil sa hemorrhagic stroke
- Nangyari ang stroke ilang oras pagkatapos mag-taping sa Family Feud noong Agosto 9
- Nakaramdam siya ng matinding pananakit ng ulo habang nasa dressing room ng Hideout Comedy Bar bago nawalan ng malay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Pumanaw ang stand-up comedian at dating contestant ng It's Showtime "Miss Q&A," si Ronnie "Didong" Dumadag noong Sabado, Agosto 10, 2024, sa edad na 47 taon.
Isinugod siya sa MCU Hospital sa Caloocan City dahil sa hemorrhagic stroke na naganap ilang oras matapos ang kanyang taping sa Family Feud, ang game show na pinangungunahan ni Dingdong Dantes sa GMA-7 noong Biyernes, Agosto 9.
Sa katunayan ay nakapagbahagi pa ng kanyang mga selfie si Didong habang nasa dressing room bago sumalang sa naturang game show.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Pagkatapos ng taping, pumunta si Didong sa Hideout Comedy Bar sa Caloocan City para sa kanyang show. Habang nasa dressing room bandang 10:45 ng gabi, nakaranas siya ng matinding sakit ng ulo at napansin ng mga kasama niyang nabubulol siya sa pagsasalita at nanghihina ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan.
Nang isugod siya sa ospital, nawalan siya ng malay at malakas na ang paghilik. Ipinakita ng CT scan ang pagdurugo sa utak na nagdulot ng malubhang problema sa kanyang paghinga at pagtibok ng puso.
Nagbigay naman ng paalala ang kaibigan niyang si Negi na huwag kakaligtaang alagaan ang sarili sa kabila ng pagsusumikap sa buhay.
Kabilang si Didong sa mga stand-up comedians sa Vice Comedy Club. Nakilala siya nang sumali siya sa Miss Q&A ng It's Showtime kung saan marami ang nakapansin sa kanyang husay sa pagpapatawa. Nakilala din siya bilang kahawig ni Brenda Mage.
Kamakailan ay inihaya ni Brenda ang kanyang matinding pagluluksa sa biglaang pagpanaw ng stand up comedian na si Didong Dumadag. Ibinahagi ni Brenda sa social media ang kanyang matinding kalungkutan at mga alaala nila ni Didong - Isinugod sa ospital si Didong matapos ma-stroke ayon sa mga post ng kanilang mga kaibigan. Patuloy ang pagdaloy ng mga mensahe ng pakikiramay at suporta mula sa mga kaibigan at kapwa artista.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh