Tito Sotto: "The creators are the owners, it's always that way"

Tito Sotto: "The creators are the owners, it's always that way"

- Ibinahagi ni Tito Sotto ang saloobin tungkol sa trademark issue sa panayam ni Pinky Webb sa kanya sa CNN

- Muli ay sinabi ni Tito Sen na sa kanila ang trademark dahil sila ang creator ng 'Eat Bulaga'

- Alam daw nilang sila ang may-ari kahit yung kanta ng naturang noontime show dahil ang kanta ni Vic ang nakarehistro sa Star Music

- Maging ang 'Eat Bulaga' na pangalan ay nilikha din daw ni Joey de Leon kaya naniniwala silang sila ang may-ari nito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinanindigan ni Tito Sotto na sila ang may-ari ng Eat Bulaga. Sa panayam ni Pinky Webb sa kanya sa CNN, sinabi niyang alam nilang sila ang may-ari nito dahil sila ang gumawa mula sa pangalan ng Eat Bulaga hanggang sa kantang ginagamit sa show.

Read also

Richard Gomez, aminadong 'easy-to-get' daw siya noong siya ay binata pa

Tito Sotto: "The creators are the owners, it's always that way"
Tito Sotto: "The creators are the owners, it's always that way"
Source: Instagram
"The creators are the owners, it's always that way"

Nang tanungin ni Pinky kung hindi daw ba kailangang mag-apply ng copyright o di kaya trademark.

Ayon kay Tito Sen, mula sa kanta hanggang sa pangalan ng show ay sila ang may gawa.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

We know we're the owners. It's the song of Vic that was registered with Star Music because may publishing house kami. So, kami may-ari nung kanta, gamit pa rin sila ng gamit. The name Eat Bulaga was created by Joey in 1989 before July 30.

Mga taong 2000 daw nag-file ng copyright ang TAPE, Inc. para sa intellectual property code. Ito umano ay para sa merchandising at hindi para sa entertainment services.

Ang Eat Bulaga! ay isang noontime show sa Pilipinas na napapanood sa GMA network. Ito ay blocktimer sa naturang network at ang TAPE Inc. ang producer nito at tinaguriang pinakamatagal na variety show sa bansa. Sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Chiqui Hollman at Richie D'Horsie ang mga pinakanaunang hosts dito nang una itong ipalabas noong July 30, 1979. Bago mangyari ang pagkalas nila sa TAPE, kabilang sa mga host ng naturang show ay sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Jose Manalo, Allan K., Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Pauleen Luna, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, Ruru Madrid, Bianca Umali at Carren Eistrup.

Read also

Cristy sa pamamaalam ng TVJ sa TAPE: "Iniyakan po ni Alden Richards itong senaryong ito"

Kabilang si Madam Kilay sa mga nagbigay-pugay sa Eat Bulaga matapos ang pagpapaalam ng TVJ ngayong araw sa TAPE,Inc. Ayon sa kanya, mula noong bata siya ay Eat Bulaga na talaga ang paborito niyang noontime show. Aniya, malaking karangalan para sa kanya na maging bahagi ng naturang show kahit ilang buwan lamang. Matatandaang napasama noon si Madam Kilay sa segment ng Eat Bulaga na Juan For all All for One.

Ayon kay dating Senador Tito Sotto, maging sila ay nabigla din sa nangyari kaya humantong sa kanilang desisyon na kumalas. Kaya daw sila pumasok na lahat ng host ay para magtrabaho at wala naman silang plano na kung ano. Nang bigla umano silang hindi payagang mag-live, naisip nilang ito na ang "bendisyon" ng Panginoon na magdesisyon sila. Kaya naman kahit nangangapa sa kanilang sasabihin ay naipahatid naman nila ang kanilang nais sabihin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate