Madam Kilay, sinabing walang masama kung magpaparetoke basta walang niloloko
- Ayon kay Madam Kilay, wala namang masama kung retokada ang isang tao
- Aniya, ang mahalaga ay hindi nagsisinungaling na dahil umano sa isang produkto kaya gumanda
- Dagdag pa niya, masarap sa pakiramdam na hindi sinungaling at galing sa malinis na paraan ang perang kinikita
- Naging usap-usapan ang patutsadahan at sagutan nila ng kapwa niya social media influencer at CEO na si Rosmar Tan
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Diretsahang sinabi ni Madam Kilay na walang masama kung retokada ang isang tao. Ang mahalaga ay hindi nagsisinungaling na dahil umano sa isang produkto kaya gumanda.
![Madam Kilay, sinabing walang masama kung magpaparetoke basta walang niloloko Madam Kilay, sinabing walang masama kung magpaparetoke basta walang niloloko](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/e96f7333055a0625.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Sinabi din niyang masarap sa pakiramdam na hindi sinungaling at galing sa malinis na paraan ang perang kinikita.
KUNG RETOKADA AT ALAGANG IV GLUTA DRIP UMAMIN NA LANG WALA NAMAN MASAMA DUN! Basta WAG NA MAG SINUNGALING NA Kesyo dahil SA PRODUCT kase alam naman ng lahat na hindi Ung totoo! Ang sarap sa pakiramdam na hindi ka sinungaling at galing sa malinis na paraan ang perang kinikita mo
![Madam Kilay, sinabing walang masama kung magpaparetoke basta walang niloloko Madam Kilay, sinabing walang masama kung magpaparetoke basta walang niloloko](https://cdn.kami.com.ph/images/1120/7e387ad63a524960.jpeg?v=1)
Source: Facebook
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Madam Kilay o Jinky Anderson ay unang sumikat sa Facebook sa kanyang ibinahaging mga kilay tutorial. Ibinahagi niya rin ang kanyang buhay bilang asawa ng isang Afam. Gayunpaman, kinalaunan ay ibinahagi niyang nagkahiwalay sila ng unang asawa hanggang sa makilala niya ang kasalukuyang boyfriend niya na si Michael.
Kahit kasalukuyang nasa Amerika, marami sa kanyang mga tagasuporta sa Pilipinas ang nasusubaybayan ang mga pangyayari sa kanya. Kamakailan ay ibinahagi ni Madam Kilay ang tungkol sa pagreklamo ng kanyang kapitbahay sa kanila ng boyfriend niyang si Michael. Ibinahagi niya rin ang video kung saan nabagsak niya ang isang mamahaling camera.
Matatandaang sa isang maikling video na kanyang binahagi sa social media, pinakita ni Madam Kilay kung gaano nagpasalamat ang mga bangkero sa Surigao. Ito ay matapos niyang abutan ang mga ito ng tig-5,000 dahil nahabag umano siya sa kalagayan ng mga ito. Napag-alaman ni Madam Kilay na P120 lang umano ang kita ng bangkero sa tatlong oras nitong byahe upang ihatid ang mga pasahero. Marami ang natuwa at lalong humanga kay Madam Kilay dahil sa kabila ng tagumpay nito ay hindi umano ito nakakalimot na ibahagi ang kanyang mga biyaya.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh