Toni Fowler, harapang tinanong si Rob Moya tungkol sa sinabi umano nito kay Lai Austria

Toni Fowler, harapang tinanong si Rob Moya tungkol sa sinabi umano nito kay Lai Austria

- Kinompronta ni Toni Fowler si Rob moya kaugnay sa nalaman nito mula sa pakikipag-usap kay Lai Austria

- Kaugnay ito sa sinabi umano ni Rob kay Lai na December 25 2020 pa lang ay hiwalay na sila

- Matatandaang nilabas nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong January taong 2021

- Natawa naman si Rob at palusot nito ay nag-break naman daw talaga sila ni Toni noon nang dalawang oras

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Harapang kinompronta ni Toni Fowler si Rob Moya kaugnay sa sinabi umano nito kay Lai Austria na December 25 pa lang noong 2020 ay hiwalay na sila. Matatandaang kamakailan lang nang magkasama sa isang video sina Lai at Toni kung saan napag-usapan nila ang tungkol sa mga nangyari.

Toni Fowler, harapang tinanong si Rob Moya tungkol sa sinabi umano nito kay Lai Austria
Toni Fowler, harapang tinanong si Rob Moya tungkol sa sinabi umano nito kay Lai Austria (@tonifowlerpo)
Source: Facebook

Sagot naman ni Rob, naghiwalay naman talaga sila ni Toni ng dalawang oras. Matatandaang nilabas nila ang tungkol sa kanilang paghihiwalay noong January taong 2021.

Read also

Luis Manzano, tinatawag umano ni Jessy Mendiola na "kuyang manyak" noon

Muling nagkausap sina Rob at Toni matapos ang collab nina Toni at Lai at ayon kay Rob ay nabigla siya. Sana umano ay nasabihan man lang siya.

Bukas naman si Rob na makausap si Lai para magkaayos na umano sila at wala nang problema.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang mga naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel