Bagong kasal, naging instant millionaire dahil sa kanilang money dance
- Tila naging instant milyonaryo ang mga bagong kasal mula sa Valenzuela City
- Ito ay dahil sa kanilang prosperity dance na halos mabalot na ng pera ang kanilang kasuotan
- Mapapansing nilagyan din sila ng korona ng pera kaya naman umabot ito sa Php1.2 million
- Ayon sa mag-asawa, gagamitin nilang pangnegosyo ang perang kanilang natanggap sa money dance
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Daig pa ng nanalo sa raffle ang mag-asawang sina Joven at May Jean Acosta ng Bignay Valenzuela dahil sa laki ng halagang pera na nalikom nila sa prosperity dance.
Nalaman ng KAMI na tumataginting na Php1.2 million ang kabuuang halaga na natanggap ng bagong kasal.
Ayon sa ABS-CBN, naibahagi ng Gee's Events Management Solutions, ang wedding coordinator nina Joven at May Jean na ang kabuuang halaga ay mula sa mag-asawa ng mga magulang, kaibigan, kaanak at ninong at ninang ng dalawa.
Sinabing ang nalikom na halaga ng bagong kasal ay gagamitin nila sa kanilang binabalak na itatayong negosyo.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens:
"Sana all! Masuwerte ang mag-asawa na ito at maraming nagmamahal sa kanila"
"Sa tingin ko, deserve talaga nila ang natanggap na malaking halaga. Congrats sa inyo"
"Magandang umpisa yan para sa inyo. Inyo iyang payabungin para sa inyong bubuuing pamilya"
"Marami ang nagmamahal sa kanila at nagtiwalang bigyan sila ng panimula ng kanilang pamilya. Congratulations!"
Kamakailan, agaw-eksena rin sa social media ang video ng isang pari na siyang nagkasal mismo sa kanya raw ex-girlfriend. Nakatutuwang inamin niya ito sa kasal na nilarawan niyang doon lamang siya pinagpawisan nang husto.
Kinagiliwan at hinangaan din ng marami ang isang kasalan na Php 3,000 lang ang nagastos ng bride at groom sa kanilang wedding reception na ginanap sa Mang Inasal.
Gayundin ang isang bride na ayaw ng enggrandeng kasalan kaya naman niregaluhan na lamang siya ng kanyang groom ng 6000 sqm na lote.
Sa panahon ng pandemya, ilan lamang sila sa mga hindi nagpatinag sa virus at itinuloy pa rin ang kanilang pag-iisang dibdib. Siniguro lamang nila ang pagsunod sa safety protocols at tamang bilang ng mga panauhin.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh