Jake Ejercito, binahagi ang dinner date picture ni Andi Eigenman at Ellie Ejercito

Jake Ejercito, binahagi ang dinner date picture ni Andi Eigenman at Ellie Ejercito

- Ibinahagi ni Jake Ejercito ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon

- Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita

- Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex

- Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kinaaliwan ng netizens ang binahaging post ni Jake Ejercito kung saan binahagi niya ang magkahawig na litrato nina Andi Eigenmann at Ellie Ejercito na parehas kuha s kanilang dinner date. Taong 2013 pa ang picture ni Andi noong magkarelasyon pa sila ni Jake.

Jake Ejercito, binahagi ang ng dinner date picture nila Andi Eigenmaan at ni Ellie Ejercito
Jake Ejercito at Ellie Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Hindi lingid sa publiko na maayos na ang relasyon nila bilang co-parents para sa anak nilang si Ellie.

Hindi naman napigilang balikan ng mga netizens ang mga pictures nina Andi at Jake sa IG ng aktor.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jake Ejercito o Juan Emilio Ejercito sa tunay na buhay ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez. Siya ang ama ng anak ni Andi Eigenmann na si Ellie. Kasama siya sa seryeng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Kamakailan ay maraming naaliw sa pagiging protective na ama ni Jake kay Ellie. Ito ay nang punahin niya ang maikling shorts na suot ng anak. Agad namang hinila ni Ellie ang suot na shorts para magmukha itong mas mahaba.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel