Buboy Villar, kinabahan sa kakompitensiyang paresan na prank pala ni Jelai Andres

Buboy Villar, kinabahan sa kakompitensiyang paresan na prank pala ni Jelai Andres

- Marami ang naaliw sa bagong prank ni Jelai Andres sa kaibigang si Buboy Villar

- Lingid sa kaalaman ni Buboy, pinaghandaan ni Jelai ang kanyang itinayong paresan sa tabi mismo ng cart niya ng "Paresan ni Bok"

- Bukod sa mesa, may pinagawa ding tarpaulin si Jelai na kahawig na kahawig ng nasa pwesto ng paresan ni Buboy

- Ani Jelai, pambabawi umano niya ito sa kaibigan na nabiktima din siya ng prank kung saan pina-snatch ang kanyang bag bago siya bigyan ng sorpresa para sa kaarawan niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi maitago ni Buboy Villar ang kanyang pagkabahala matapos niyang madatnan ang isang bagong paresan na tinayo sa mismong tabi ng kanyang pwesto. Lingid sa kaalaman niya, prank pala ito ng kanyang kaibigang si Jelai Andres.

Buboy Villar, kinabahan sa kakompitensiyang paresan na prank pala ni Jelai Andres
Buboy Villar (@buboyvillar)
Source: Instagram

Nakumbinsi naman siyang totoong may kakompitensiya nga siya lao nang datnan niyang marami ang mga taong kumakain sa bagong paresan na may pangalang "Paresan ni Bokbok." Nakalagay din sa kanyang pinagawang tarpaulin ang linyang "Dito ka tumingin wag sa iba."

Read also

Valentine Rosales, umalma sa umano'y pananakit sa kanyang kaibigan

Dito lalong napaisip si Buboy dahil parang nanadya umano ang may-ari ng paresan dahil ang pangalan ng kanyang paresan ay "Paresan ni Bok" at ang kanyang tagline ay "Pag tumingin ka, kain ka."

Nakahinga lang siya nang maluwag nang sa wakas ay sabihin ni Jelai na prank lang iyon sa kanya bilang pambabawi sa prank nito kay Jelai kung saan pina-snatch niya ang bag ng aktres bago siya bigyan ng sorpresa para sa kaarawan niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Buboy Villar ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang mag audition siya sa Little Big Star. Naging bahagi siya ng teleseryeng Dyesebel noong 2008.

Ilan sa mga pelikulang naging bahagi siya ay Supahpapalicious, Shake, Rattle & Roll X, Ang Panday, Zaido: Pulis Pangkalawakan, Darna, at Panday Kids.

Read also

Cristy Fermin kay Kakie Pangilinan: "Nakapagtataka talaga ang mga ginagawa ni Kakie"

Taong 2016 nang maging magkarelasyon si Buboy at ang ina ng kanyang dalawang anak na si Angillyn Gorens. Nagsama sila sa isang bubong taong 2017.

Taong 2017 naman pinanganak ni Angillyn ang kanilang panganay na anak. Engaged na sila noon at nagbabalak na magpakasal sa US ngunit nito lamang 2020 nang aminin nilang nagkahiwalay sila.

Noong nakaraang Mother's Day ay hindi kinaligtaang batiin ni Buboy si Angillyn.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel