Aubrey Miles, binahagi ang improvement sa anak na si Rocket

Aubrey Miles, binahagi ang improvement sa anak na si Rocket

- Sa kanyang Instagram post, masayang binahagi ni Aubrey Miles ang improvement sa anak niyang na diagnose na may Autism spectrum disorder

- Ayon kay Aubrey, natutunan na ng kanyang anak na tawagin siyang mama at nakakakapag-eye to eye contact na rin umano ito sa ibang bata

- Matatandaang kamakailan lang ay binahagi ng mag-asawa ang tungkol sa kalagayang ito ng kanilang anak na si Rocket

- Sumasailalim umano ang kanyang anak sa ST (Speech therapy) at OT (Occupational therapy) para matulungan ito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang binahagi ni Aubrey Miles na natutunan na ng kanyang anak na si Rocket na tawagin siyang mama. Si Rocket ay na diagnose na may Autism spectrum disorder.

Aubrey Miles, binahagi ang improvement sa anak na may autism
Aubrey Miles and Troy Montero (@milesaubrey)
Source: Instagram

Ayon kay Aubrey, binigyan ni Rocket ng "different meaning" ang kanilang buhay na mag-asawa.

What’s life without a purpose. We all have one or more. This little person here gave us a whole different meaning to life. What’s more important and what truly matters. Bringing her to places to show and teach her how the world works.

Read also

Kaibigan ni Kris Aquino, nagbigay ng update sa kalagayan ng TV host: “Kris now is really sick”

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Masaya niyang binahagi ang mga improvement sa anak na sumasailalim sa ST (Speech therapy) at OT (Occupational therapy) para matulungan ito.

She just learned to call me mama, starting to look eye to eye with other kids. slowly getting better with planes with a good routine. She knows she needs her floaters before jumping in the water. It’s fascinating and we believe this works. Thanks for being you

Matatandaang kamakailan lang ay binahagi ng mag-asawa ang tungkol sa kalagayang ito ng kanilang anak na si Rocket. marami ang humanga sa mag-asawa dahil sa kanilang pagbabahagi ng kaaalaman tungkol sa mga kagaya nilang magulang na may anak na mayroong ASD.

Nagmula ang stage surname ni Aubrey sa "Miles Away" na awitin. Nakilala siya sa kanyang mapangahas na mga pagganap sa mga pelikula.

Read also

Ina ni Robert Bolick, sinabing nagpakasal ang anak nila nang hindi nila alam

Ang kanyang karelasyong si Troy Montero ang ama ng kanyang dalawang anak na sina Hunter Cody Sandel Miller at Rocket Miller.

Si Aubrey Miles ay kilala bilang isa sa mga celebrities na mahilig sa pag-aalaga ng halaman o maituturing na "plantita." Sa katunayan, ginawa niya rin itong negosyo at nakapagpundar siya ng lote mula sa kanyang pagbebenta ng halaman.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel