Coco Martin, naiyak sa kanyang pagpunta sa lamay ni Susan Roces
- Sa Facebook live ni Senator Grace Poe, makikita ang pagdalaw ng aktor na si Coco Martin sa lamay ng kanyang ina
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
- Emosyonal na kinuwento ni Coco ang kabutihan ni Susan sa kanya simula nang makasama niya ito sa teleseryeng 'Walang Hanggan' noong 2012
- Tandang-tanda niya umano ang huling pagkikita nila ng kanyang Tita Sue at malakas umano ito kaya nabigla siya sa nangyari
- Aniya, hindi lang katrabaho ang turing nila kundi lola umano siya ng lahat ng cast at crew ng 'FPJ's Ang Probinsiyano'
Hindi napigilan ni Coco Martin ang kanyang emosyon sa kanyang pagdalaw sa lamay ng yumaong aktres na si Susan Roces. Tandang-tanda niya umano ang huling pagkikita nila ng kanyang Tita Sue at malakas umano ito kaya nabigla siya sa nangyari.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Kwento pa ni Coco, una niyang nakatrabaho ang kanyang Tita Sue noong 2012 sa teleseryeng Walang Hanggan. Sa kabila umano ng estado nito na tinitingala sa mundo ng showbiz, siya umano mismo ang lumalapit sa kanyang mga katrabaho.
Ito din umano ang nagpayo sa kanya na ayos lang kahit hindi siya magaling magsalita sa wikang Ingles. Sinabi umano nito sa kanya na mas mahirap kung hindi siya marunong mag-Tagalog dahil nakatira siya sa Pilipinas.
Aniya, hindi lang katrabaho ang turing nila kundi lola umano siya ng lahat ng cast at crew ng FPJ's Ang Probinsiyano. Nakasama niyang muli si Susan sa naturang serye mula noong 2015.
Si Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe o mas kilala sa kanyang screen name na Susan Roces, ay isang Filipina actress at producer. Maybahay siya ng yumaong beteranong aktor na si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang si Fernando Poe Jr. binansagan siyang "Queen of Philippine Movies" at nakagawa ng mahigit 130 na pelikula.
Huli siyang napanood sa FPJ's Ang Probinsiyano kung saan gumaganap siya bilang Lola Flora na lola ng bidang si Cardo Dalisay (Coco Martin). Matatandaang matapos matigil ang taping dahil sa pandemic, locked-in taping ang naging sagot para mapatuloy ang paggawa ng mga palabas sa telebisyon. Matatandaang nauna nang naiulat ng KAMI na hindi na makakasama sa pagbabalik taping ang beteranang aktres.
Source: KAMI.com.gh