Kaye Abad, nagbahagi ng kanyang picture mula sa kanyang 40th birthday pictorial

Kaye Abad, nagbahagi ng kanyang picture mula sa kanyang 40th birthday pictorial

- Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Kaye Abad ang isa sa mga picture niya sa kanyang birthday pictorial

- Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda kahit pa 40 taong gulang na ito

- Bumaha ng komento ng pagbati at paghanga sa kagandahan ng aktres sa binahagi nitong picture na kinuhanan ng Nice Print Photography

- Matatandaang una siyang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pagdiriwang kamakailan ng kanyang ika-40 taong kaarawan, ibinahagi ni Kaye Abad ang kanyang picture mula sa kanyang 40th birthday pictorial. Marami ang humanga sa aktres dahil mukha itong hindi tumatanda.

Kaye Abad, nagbahagi ng kanyang picture mula sa kanyang 40th birthday pictorial
Kaye Abad with husband Paul Jake Castillo and their son (@kaye_abad)
Source: Instagram

Bukod sa mga pagbati ay marami sa mga netizens ang nagsabi na isa si Kaye sa pinakamagagandang mukha sa mundo ng Philippine showbiz. Maging ang mga kasamahan niya sa industriya ay sumang-ayon na fresh na fresh pa rin si Kaye sa edad nito.

Read also

Rita Avila, naikwentong langaw o paro-paro ang simbolo ng pagdalaw ng yumaong anak

Sa kanyang kaarawan nitong May 17 ay pinasalamatan ni Kaye ang kanyang mister na si Paul Jake Castillo. Ito ay dahil sa sorpresa nito sa kanya tuwing sasapit ang kanyang kaarawan sa kabila ng kanyang kadalasang sinasabi na dinner lang kasama ang kanyang pamilya ay sapat na para kay Kaye.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pero Gusto mo laging may something special sa bday ko. Salamat sir! ♥️ i want u to know na u always make me happy kahit walang surprise. (Less gastos mas masaya)

Pinasalamatan niya rin ito dahil sa pagmamahal, pagsuporta at sa pagpapalakas ng loob niya.

Thank you kasi lagi mong sinasabi na kaya ko pag feeling ko hindi ko kaya. Thank you for being my no.1 supporter sa mga gusto kong gawin. i love you and the boys so much♥️

Read also

Aiko Melendez, pinaghahandaan na ang paglilingkod bilang konsehal ng QC

Si Kaye Abad ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa bahagi ng "Ang TV". Nakilala din siya bilang katambal ni John Lloyd Cruz sa seryeng "Tabing Ilog" mula 1999 hanggang 2003.

Ikinasal si Kaye kay Paul Jake Castillo noong December 9, 2016 sa Cebu City. Kamakailan ay naibahagi ng aktres ang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao sa pangalawang anak nila ni Paul Jake.

Sa naunang ulat, naging usap-usapan ang komento ng kanyang ex-boyfriend na si Chito Miranda sa kanyang Instagram post.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel