Aiko Melendez, pinaghahandaan na ang paglilingkod bilang konsehal ng QC

Aiko Melendez, pinaghahandaan na ang paglilingkod bilang konsehal ng QC

- Pinaghahandaan na ni Aiko Melendez ang paglilingkod niya bilang konsehal ng Quezon City

- Nagwagi siya bilang isa sa mga bagong manunungkulan sa konseho ng District 5

- Hindi pa man nagsisimula ang termino, nakikipagpulong na siya sa kinauukulan upang maayos ang maging takbo ng kanyang pagseserbisyo

- Inanunsyo rin niya ang muling pagbabalik sa kanyang YouTube channel

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Labis labis na ang paghahanda ni Aiko Melendez sa pagsisimula ng kanyang termino bilang konsehal ng ikalimang distrito ng Quezon City sa June 30.

Aiko Melendez, pinaghahandaan na ang paglilingkod bilang konsehal ng QC
Photo: Aiko Melendez
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na si Aiko ang isa sa mga pinalad na makapasok sa konseho ng Quezon City sa katatapos lamang na Halalan 2022.

Sa kanyang YouTube channel, pinasalamatan niya ang lahat ng sumuporta sa kanyang kandidatura at hindi naman siya nabigo gayung naipanalo naman niya ito.

Read also

Rita Avila, naikwentong langaw o paro-paro ang simbolo ng pagdalaw ng yumaong anak

Ilan sa mga kapwa niya artista na nagbigay suporta sa kanya ay sina Robin Padilla, Bayani, Agbayani, Ice Seguerra at isa sa mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz na si Gelli De Belen.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Pinasalamatan din niya ang mga anak na sina Martina at Andrei na lagi niya umanong kasama sa kampanya.

At bilang paghahanda sa kanyang pagseserbisyo sa mga taga-Quezon City, kabi-kabila na umano ang kanyang mga pinupulong para maging maayos ang pagsisimula ng kanyang termino.

Gayunpaman, inanunsyo rin ni Aiko ang pagbabalik niya sa kanyang YouTube Channel kung saan maibabahagi niya muli ang mga kaganapan sa kanyang buhay at mga pakaaabangang panauhin niya sa mga susunod na araw.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na mula sa YouTube channel niyang Aiko Melendez:

Si Aiko Melendez ay isa sa mga kilalang Filipina actress sa bansa. Taong 2018 nang makamit niya ang best supporting actress para sa pelikulang “Rainbow’s Sunset.” Naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Quezon City at nanilbihan sa loob ng siyam na taon hanggang 2010.

Read also

Kampo ni Andrea Brillantes, umalma sa video clip na ginagamit upang siraan ang aktres

Kamakailan ay naging abala si Aiko sa kanyang kampanya sa pagka-konsehal ng Quezon City hanggang maipanalo nga niya ito at hirangin siya bilang susunod na konsehal.

Matatandaang noong 2021, naging agaw-eksena ang kanyang mga larawan na mukha lamang teenager. Marami ang humanga sa aktres na paganda nang paganda kaya naman marami na rin ang nag-aabang sa kanya sa kanyang YouTube channel na mayroon nang mahigit 810,000 na subscribers.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica