Kampo ni Andrea Brillantes, umalma sa video clip na ginagamit upang siraan ang aktres
- Muling nagbigay ng paalala ang kampo ng aktres na si Andrea Brillantes sa gitna ng natatanggap nito na pambabatikos
- Kaugnay ito sa spliced video na ginagamit umano sa kasalukuyan sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto
- Kaugnay ito sa pahayag ni Andrea kaugnay sa kanyang mga bashers na pinapakalat sa kasalukuyan sa social media
- Mula ito sa kanyang vlog noong nakaraang taon kung saan binasa niya ang mga hate comments sa kanya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Hindi pinalampas ng kampo ni Andrea Brillantes ang umano'y pinapakalat na spliced video na mula sa kanyang vlog noong nakaraang taon. Ayon sa kanyang management, ginagamit umano ito sa mapanirang paraan at ginagamit nang wala sa konteksto.
Kaugnay ito sa naging pahayag ni Andrea patungkol sa kanyang bashers. Sa kanyang ginawang video kung saan nagbasa siya ng hate comments, ibinahagi niya din ang kanyang pananaw at saloobin sa mga masasakit na komento sa kanya.
Paalala ng management niya, palaging maging mapanuri at mag-ingat sa pag-share. Nakalagay din ang hashtag na #fightdisinformation.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Nitong mga nakaraang araw lamang, matapos ang samu't-saring mga isyung binabato sa kanya, umalma din ang kampo ni Andrea. Kaugnay ito sa mga fake news na lumalabas at mga tweet na gawa ng mga trolls at bashers niya.
Nagbigay ng babala ang management ni Andrea sa mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon. Binabantayan umano ito kanilang legal team para maaksyunan ang mapanira at malisyosong mga tweets.
Matatandaang matinding pambabatikos ang dinanas ni Andrea lalo na nang maghayag siya ng kanyang suporta kay VP Leni Robredo. Gayunpaman, sa kabila ng naging resulta ng eleksiyon ay nanindigan ito sa kanyang naging desisyon.
Si Andrea Brillantes ay isang aktres na nakilala sa kanyang pagganap bilang si Annaliza sa isang kapamilya teleserye. Sumikat din siya sa kanyang mahusay na pagganap bilang ang kontrabidang si Marga Mondragon sa hit TV series na "Kadenang Ginto" na nagkaroon ng remake sa ibang bansa dahil sa tagumpay nito.
Samantala malaki ang pasasalamat ni Andrea sa social media dahil naging daan ito para maabot niya ang kanyang mga pangarap.
Ikinabigla naman ni Seth Fedelin ang hiningi sa kanya ni Andrea na blender na nagkakahalaga ng 50K at isang kabayo.
Source: KAMI.com.gh