Angeline Quinto, sinorpresa ng kanyang partner nitong nagdaang Mother's Day

Angeline Quinto, sinorpresa ng kanyang partner nitong nagdaang Mother's Day

- Sa kanyang unang pagdiriwang ng Mother's Day, isang sorpresa ang inihanda ng partner ni Angeline Quinto

- Mismong ang kanyang partner ang punong-abala sa paghahanda para sa kanilang pagdiriwang

- Naroroon din ang nanay ng kanyang partner at iba pang kaibigan ni Angeline kagaya ni Vice Ganda

- Abot-abot naman ang pasasalamat ni Angeline sa effort ng kanyang boyfriend na aniya ay maagang nagising

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Masayang-masaya si Angeline Quinto sa kanyang unang pagdiriwang ng Mother's Day bilang isang ganap na ina. Abot-abot ang pasasalamat ni Angeline sa effort ng kanyang boyfriend na aniya ay maagang nagising para personal na aikasuhin ang paghahanda para sa kanilang Mother's Day celebration.

Angeline Quinto, sinorpresa ng kanyang partner noong Mother's Day
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Sa unang bahagi ng video ay makikita ang boyfriend niya na namili. Siya din ang nag-arrange ng bulaklak at tumulong din ito sa pag-ayos ng kanilang set-up sa labas ng kanilang bahay.

Read also

Leni Robredo, lilipad patungong New York; tuloy pa rin ang paghahanda sa pagtatapos ng termino

Naroroon din ang nanay ng kanyang partner at iba pang kaibigan ni Angeline kagaya ni Vice Ganda.

Marami naman sa kanyang mga tagasuporta ang masayang-masaya para sa kanya:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Congratulations…Ms Angge most happiest in my life, when I was born my Precious super excited having a baby…Always Godbless ur family
Angkyutt nyopo magpamilya...Congrats po and welcome baby boy! Happy mother's day idol Angge...sana all may pa surprise
Congratulations mama angge GODBLESS more to your family. Sending love and Support from our Team #RAINBOWJOYZ

Si Angeline Quinto ay kilalang mang-aawit na kinalaunan ay gumawa na rin ng pelikula at mga TV shows. Nakilala siya sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa singing contest na Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta, pinasok din ni Angeline ang paggawa ng mge teleserye at pelikula.

Read also

Mariel Padilla, pinakita ang kanyang reaksiyon nang malamang #1 si Robin Padilla sa pagka-senador

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Isa din si Angge sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube content nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante na makikita sa kanyang mga vlog.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel